Note: baka ka lang hindi niyo nabasa ‘yung karugtong ng chapter 42 after ko na-post erroneously, please check. Jessa Zarossa’s POV “We’re here!” Bakas ang excitement sa boses ni Levi. Nasa may likod ko ito dahil una akong humakbang nang binuksan nito ang pinto dito sa hotel na pamamalagian namin. We’re here in Paris— for real! Aaminin ko na sobrang excitement ang nararamdaman ko ngayon. Iniisip ko pa lang na mamasyal dito ay kinikilig na ako. Isa ito sa mga lugar na gusto kong puntahan dati pa. Naaalala ko pa nang masaya pa ang pamilya namin nila mommy at daddy, nagplano kami ng out-of the country patungo dito sa lugar na ito. Dahil hectic ang schedule ni daddy at madalas busy sa pag-oopisina ay hindi naman natuloy. Hanggang sa naging cold at distant sa akin si daddy sa hindi ko n

