ANALINE POV "Aba! dapat lang, teka nga parang may kulang Eliot nasaan si Anastasia?" Dahil sa tanong na iyun ni tita ay para akong naging bato dahil alam kong maslalo niya akong kamumuhian. "Uhmm S-shes m-missing." Na uutal at mahina kong sabi bago huminga ng malalim. "A-anong sabi mo? My grand daughter is missing?" Di makapaniwalang tanong niya kaya tumango lang ako bago higpitan ang pagkakahawak sa hawak hawak kong baso dahil nanlalamig na ako. "Bakit ngayon niyo lang sinabi ito? Anong ginawa niyo? Papanong nawala ang apo ko?! kahit naman ayaw ko sa anak niyo apo ko parin iyun at may puso parin ako!" Galit na sabi niya bago hampasin ang lamesa kaya muntikan ng matapon ang mga pagkain, napapikit na lang ako dahil sa sigaw niya, alam kong madadagdagan na naman ang mga masasamang salita

