Lumipas ang Araw, linggo at buwan, na Sila palagi ang Kasama ko tuwing mamamasyal sa plaza, pupunta Ng public library o di kaya'y kakain sa labas.
Araw ng myerkules nagmamadali akong pumasok, tinanghali Kasi ako Ng gising Si Mrs Serrano pa naman ang prof namin Ngayon. 8am Hanggang 12noon kami sa kanya kaya hinahabol ko para makaabot sa tamang Oras. Lakad takbo na Ang ginawa ko dahil 7:58 na tiyak na late na ako.
"Oh, bakit nagmamadali ka?" Tanong ni Darren na nakasalubong ko sa pasilyo.
"Eh, late na Kasi ako. Major Subject namin ngayon kay Mrs. Serrano." sagot ko rito.
"Naku, malilate daw prof niyo Sabi Sakin nila Ivan, andon Sila Ngayon sa Canteen kakagaling ko lang din don." pagbibigay alam nito.
"Sigurado ka, salamat naman kung ganun." paglilinaw ko dito.
"Oo nga, naitanong nga kita sa kanila kung bat di ka nila Kasama, ang Sabi baka alam mo daw na malilate si prof niyo kaya siguro di ka daw nag rereply sa mga text message ni Ivan." Ani pa nito.
"Di ko alam, tinanghali Kasi ako Ng gising kaya pagkatapos ko maligo nag mamadali na akong pumasok nakalimutan ko nga ang Cellphone ko sa Bahay di ko na din na check kung may mga text messages." sagot ko naman.
"Hmmm, kaya Pala. so, di mo rin nabasa text message ko sayo?" Tanong nito.
"Hindi, ano ba yon?" balik Tanong ko naman sa kanya.
"Diba Hanggang 2:30pm lang ang klasi mo mamaya." pagkukumpirma nito
"Oo, bakit?"
"Samahan mo naman ako sa Public library. Hanggang 2pm lang ako mamaya, hintayin kita ah. ayaw Kasing sumama nong tatlong mokong maglalaro daw Sila Ng dota." pagpapaliwanag nito.
"Ok sige, San Tayo magkikita?" Ani ko.
"hintayin kita sa may function hall, don mo ko puntahan mas malapit Kasi un sa room mo." Ani Darren.
"Oh Siya sige hintayin mo ako don mamaya. Mauna na ako puntahan ko na Sila Ivan Ayan na Si Mrs. Serrano." paalam ko dito.
Agad Kong tinungo ang Canteen upang ipaalam Kela Ivan na andiyan na Si Mrs. Serrano. Natapos ang tatlong Oras mahigit namin na umikot lang sa Journal Entry at Balance Sheet ang topic. nakakahilo din Pala mag (DEBIT, CREDIT) ok lang sana kung pwedeng KUMUPIT pag di balanse para Iwas stress. Kaso Hindi, babalikan mo talaga lahat ng ginawa mo to make sure na Tama Ang entry mo.
Di naman sa pagmamayabang ako Ang nangunguna sa klasi namin pag dating sa mga Major Subject. kaya ayaw na ayaw Kong malate sa mga subject course nato.
Habang papalapit ang Oras Ng uwian nakakaramdam ako Ng halo-halong emosyon. naroon ang kabahan ako, kiligin, at ma excite. ganito siguro ang feeling pag una mong makakasama Ng solo ang hinahangaan at iinibig mo. madalas Kasi Kasama namin ang buong barkada o kung Minsan Si Arnold ang Wala nag kabalikan na Kasi ito at nang kanyang girlfriend.
Kabado ako habang papunta sa napag usapan naming tagpuan kung saan Niya ako hihintayin. totoo nga ang sabi Ng ilan na pag nakasama mo Ng solo ang taong gusto mo ay samot sari ang iyong mararamdaman.
"Ok ka lang ba, parang pinagpapawisan ka ata?" tanong nito.
"Ah.. oo.. ok lang.. ako." nauutal Kong sagot.
"Ano kaba wag kang masyadong kabahan sa library lang Tayo pupunta, saka ako kaya tong Kasama mo oh.." pakita nito Ng braso sabay akbay Sakin pagkatapos.
"Ewan ko sayo, akala mo naman napakalaki Ng muscle mo, mas Malaki pa nga muscle ko sayo oh." pang aasar ko dito.
"Hahahaha." Sabay pa kaming napatawa sa sinabi ko, Masaya kaming umalis Ng school habang papunta Ng Public library.