Halos gusto ko nalang ibaon Ang sarili ko sa kama dahil gusto kung matulog ngayon ng buong araw dahil Ang sakit ng katawan ko. " Gising na!!" Biglang may sumigaw na ikinabigla ko naman. Napabalikwas naman ako ng bangon at dali dali na akong tumayo. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil sa tindi ng pagkabigla ko sa pag sigaw ng kung sino man sakin. " Pambihira!! " Sigaw ko ng makita ko ang oras. Galit Naman akong lumabas pagkabukas ko ng pinto ay agad namang may natapon na tubig sakin Ang baho pa nito parang nilublob dito Yung medyas na walang laba ng limang taon. " Bw*sit!" Galit kung wika habang ikinuyom Ang kamao ko. Alam ko Naman na sila Ang may gawa nito, pasalamat Sila at bawal akong gumulpi ngayon para sa kapakanan ni auntie Grace. Binalewala ko nalang ang lahat, k

