Nang dumating ako sa Barangay Dos ay nakita ko naman Ang mga tao na busy sa pag tatrabaho para Makaraos sa Araw Araw. " Boss!! Magandang Umaga" tawag naman nila sakin. Bawat madadaanan ko ay tinatawag nila ako, sanay naman na ako dahil halos lahat ng barangay na napuntahan ko ay ganito Ang trato sakin. Sa siyudad ay hindi Ako Kilala dahil Hindi pumayag si Lolo na kilalanin ako ng ibang mga Taga Dark Underground. Nakarating na ako sa mismong Bahay ni Kaleste, sobrang tahimik ng buong paligid. Walang tao sa lugar na ito kaya nag tataka naman ako. Hinanda ko na ang sarili ko dahil kung ganito ang mangyayari alam ko na may panganib na paparating. Bigla namang may lumipad na palaso patungo sakin. Sinalo ko Naman agad ito. " Mga duwag! Lumabas kayo diyan!" Sigaw ko Naman habang nagagalit

