Halos Hindi ko na makita si Gavin ng dahil sa dala dala niyang regalo. Nakabalot ito kaya di ko alam kung anong klaseng regalo ito. " A-ahh, ang sakit na ng likuran ko!" Reklamo Naman Niya. Madami na akong natanggap na regalo galing sa mga lalaking ito, binigyan din nila si Karyl bilang pasalamat daw. " Oyy grabe ka Inday ha, marami ka namang natanggap na galing sa mga gwapong lalaki. " Wika naman ni Karyl habang nakangiti. " Hindi Naman ako nanghingi e" wika ko Naman Kay Karyl. " OO nga pero dahil naappreciate ka nila Ayan nag effort Sila, Hala!! nakakakilig parang mga nakikita ko sa mga teleserye!" Wika naman Niya habang kinikilig pa ito. Iiling iling na lamang ako. " Akin na nga Yan!" Wika ko Naman at kinuha na Kay Gavin Ang mala higanteng regalo Niya at inilagay sa sahig. " Oy

