Rain's POV, Napangiti ako habang nakatingin sa salamin. Dapat nga siguro dapat kabahan ako, pero heto. Masaya pa ako. Umikot ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang color dark pink ko na wedding gown. Hinihintay ko nalang na tawagin ako ni Red, si Red ang maid of honor ko. Nandito kami sa hotel, kung saan ako binihisan. *Tok! Tok!* "Come in!" Sigaw ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa salamin. "Aalis na tayo, nandoon na ang groom mo." Doon na ako inataki ng kaba. Pinagtambol ang dibdib ko, dalawang araw kaming hindi nagkita ni Thunder. "I'm nervous." Saad ko kay Red, napatawa naman ito. "Halata nga, but hey, you're really beautiful. Ang ganda mo, kahit na medyo mataba kana." Natatawang saad nito sa huling sinabi niya. Tube kasi ang damit ko, pero sa totoo lang hindi na

