Rain's POV, Mariin kung nilunok ang cake na kinakain ko. Ng malunok ko ito kinuha ko ang tubig sa gilid ng kama at mabilis itong ininom. "Problema mo Rain?" Napabaling ako kay Pink na ngayon ay nakatanga na sa akin. Oo, bati na kami. Ng pumunta siya dito kahapon nagkausap na kami. At humingi ako ng tulong sa kanya. Pumayag naman siya, makabawi manlang daw sa masasakit na salita na sinabi niya sa akin. Ganon din si Kate, nagkabati na rin kami. "Where is Red and White?" Tanong ko sa kanya. Alam ko naman na nagpapahinga pa si Velbet. Maliban nalang kung binigyan sila ni Saya ng mission. Kahit na magkakaibigan kami, wala kaming karapatan na sawayin ang utos ng boss namin. "Sa villa nila." Sagot ni Pink at kumuha ng apple. Simula ng magising ako si Air, Pink, Thunder, Grey, Saya. Sila lang

