Rain's POV, Mga walang hiya sila! Ng magising ako nakagapos na ako. Tapos nasa harapan ko si Demetri. Sinabi niya sa akin lahat! Anak niya pala si Thunder! Mga manloloko! Pinaikot lang nila ako!Hanggang sa narinig ko na mula sa kanya na ama niya talaga ang hayop na ito. Ng makarating ang TDR dito nakatago ako sa dilim habang nakagapos. Narinig ko lahat ang pinag-usapan nila. Totoo nga! Mga sinungaling sila! Kaya pala ganon nalang ang reaksyon nila Pink at Kate ng malaman nila na buntis ako. At ako naman si gaga nagpabuntis. Hindi ko lubos maisip na ang ama ng anak ko ay siya pala ang sumira ng buhay ko! Naging agent pa ako na nauto lang pala ako. At ang gagong si Demetri hindi niya alam na ako si Death. "Hon." Tawag sa akin ni Thunder. Pinukol ko ito ng masamang tingin. Ang lakas ng l

