Chapter 2

3593 Words
MIRABELLE'S POV Habang nakatayo sa harap ng salamin ay nagsusuklay ako. Dahil wala akong uniform ng Galaxia, pulang t-shirt ang sinuot ko na pinatungan ng itim na sweater sa pantaas tapos denim jeans naman sa pangbaba. Naka-sneakers din ako ng pula. Nang matapos sa pagsusuklay ay hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko na lagpas lang ng kaunti sa balikat. Kinuha ko na ang aking shoulder bag, lumabas ng kwarto at bumaba. "Nasa dining room na sila, sumunod ka sakin," pormal na sabi ni Sheena na mukhang hinintay akong bumaba. Naglakad siya kaya sumunod na ako. Pagdating sa dining room ay kumakain na sila. Ang haba ng mesa, parang pang-sampuan. Bakante ang bawat dulo ng mesa at iisa na lang ang upuang bakante sa kaliwang part. "Doon ka na lang sa tabi ni William," si Liam ang nagsalita. Pumunta nga ako doon at umupo. Sa hapag-kainan ay may iba't ibang ulam, may prutas din sa gitna. "Ano 'yun? Red wine?" Tanong ko at ininguso ang tatlong bote na may laman na kulay pulang likido. Walang name ang bote o kahit man lang label kaya hindi ko alam kung anong brand iyon. Nagkatinginan sila at sabay na sumagot, "Yup!" "Kumuha ka na ng pagkain mo," sabi ng katabi kong si William. Kumuha nga ako at kumain na. Napuno ng katahimikan sa buong hapag-kainan. Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Lucas at nakatingin sakin. "Alam mo ba kung anong section mo?" Umiling ako at nilunok ang nginunguya ko. "Hindi eh. Binigla naman kasi ako ni Daddy sa balitang nilipat niya ako sa Galaxia. Sa creepy school na 'yun pa? Tsk." "Dahil irregular ka sa school na 'yun, sa Section E ka," sabi ni Ethan. Seryoso talaga always? Kaloka. "Waiiiit! Bakit sa Section E?! FYI, matataas ang grades ko. Saka anong Irregular?! Transferee ako hindi Irregular!" pag-angal ko. Nagkatinginan silang lahat kaya dahan-dahan kong kinuha yung isang bote ng red wine at binuksan. Inamoy ko iyon, Hmmm... amoy grapes. Yummy. Akmang magsasalin na ako sa aking baso ng hablutin ni William at muntik pang matapon. "Bawal ka nito!" Sigaw niya na ikinabigla ko. Napatingin sa amin ang iba. Eyy, did I do something wrong? Gotta taste lang eh. "Bawal? Pwede ako nyan. Wine lang naman yarn eh. Kung hard liquor siguro eh bawal talaga ako," sabi ko. "Magtubig ka na lang muna~" pa-singsong na sabi ni Luke. "Ang... unfair," bulong ko at tiningnan ang baso para salinan ng tubig ng mapansin na may kaunting red wine. Baka nalagyan nung biglang agawin ni William! BWAHAHAHAH nays wan! Agad kong kinuha ang baso at ininom ang red wine. Dang, hindi man lang umabot sa lalamunan ko HUHUNESS! Pero impernes, ah! Lasang grapes talaga! "Yummy! BWHAHAHAHA," malakas na tawa ko at nagsalin na ng tubig at ininom iyon. Pansin ko naman ang mga nagtataka nilang tingin. • "Six thirty na, tapos na ba kayo?" Tanong ni Liam. "Yep," sagot nila. Tumango na lang ako. "Tara na!" Masayang sigaw nila at nagsitayuan kaya tumayo na rin ako. Bitbit ang shoulder bag ko ay sumunod ako sa kanila palabas ng bahay. Hmmm, ang lakas at ang fresh ng hangin! "Mira!" Napalingon ako sa tumawag sakin at nasa garahe na pala sila, may kanya-kanyang kotse. 'Yung totoo mga brad? Iniinggit niyo ba ako? HUHUNESS, I'm not in the right age pa kasi eh HUHU. "Hali ka dito. Sumabay ka na sakin," sabi ni Luke. Inirapan ko siya. My guts told me that there's going to happen kapag sa kaniya ako sumakay. Kay Liam ako lumapit kasi siya naman na ang ka-close ko. "Sayo na lang ako sasabay." "No problem," sabi niya kaya pumasok na ako sa kotse niya at umupo sa passenger seat. Sinimulan niya na ang makina at may pinindot na button sa manibela. Napanganga na lang ako ng unti-unting bumukas ang roof at nag-set aside! Instant roofless car! Dahil bukas na ang gate ay mabilis lang kaming nakalabas. Halos magkakadikit lang ang kotse nila sa kay Liam. "Nakapunta ka na ba sa gitna ng kakahuyan?" Tanong niya mayamaya. "Yup, noong ten years old ako. Muntik ko na ngang mapasok ang Galaxia. Thanks to the old lady who helped me to find my way out that woods," sagot ko. "Hoy! Race tayo!" Sigaw nila sa sasakyan ni Luke na katabi lang namin. "Sige!" "At the count of three," huminto kami sa entrance ng subdivision. Nagtataka pang nakatingin sa amin ang guard HAHAHA. "One.. two..three!" Pinaharurot nila ng mabilis ang kotse palabas ng subdivision. "Bakit ang bagal natin?! Bilisan mo, kulelat na tayo!" Reklamo ko habang nakatanaw sa mga kotse ng iba. "Eh paano? Hindi ka naka-seat belt!" "Hala sorry!" Agad akong nag-seat belt. Pagka-seat belt ko ay pinaharurot niya ng sobrang bilis ang kotse. Sa sobrang bilis, nagugulo na ang buhok ko, ramdam ko ang lamig na nanunuot sa sweater ko at blurred na rin ang paligid. Nadaanan na namin si Luke na nangunguna kanina kaya kami na ang una ngayon! Pagpasok sa kagubatan ay parang mas lalong lumamig at ilaw mula sa kotse na lang ang nagsilbing liwanag namin sa daan. May mahihina na papalakas na alulong akong naririnig. "Mas bilisan pa kaya natin?" Suhestiyon ko. "Nasa maximum speed na tayo," sabi niya kaya niyakap ko na lang ang bag ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay may natatanaw na akong malaking gate at maliwanag doon. Galaxia Academy, matagal ko ring hindi iyon nakita. Pitong taon na rin pala. Ang daming nagbago, sa gate pa lang. Bumusina si Liam kaya bumukas ang gate, agad naman kaming pumasok at nag-park sa parking lot. Agad akong bumaba at nilibot ng tingin ang paligid. Maaliwalas naman dahil sa mga ilaw sa hallways. "You won again," nakabusangot na sigaw ni Luke habang nagpaparada ng kotse niya sa tabi ng kotse ni Liam. Sunod ay nagdatingan ang iba, nagparada ng kotse saka lumabas. "Pupunta muna kami sa HM's office, sasama ba kayo?" Tanong ni Liam sa kanila, nagtanguan naman sila. Malakas akong tumawa habang nakaturo sa kanila, "Nice, ang gagwapo ng mga bodyguards ko! HAHAHA!" "Shut up!" Sabay-sabay nilang sigaw na muntik ko pang ikatalon sa gulat. Dang, sila na pinupuri eh! Mga attitude amp. "Ang gagwapo nga, pangit naman ng ugali!" Sigaw ko at tinalikuran sila. Padabog akong naglakad-lakad. Nang makakita ako ng kumpol ng mga babae sa tabi ay nilapitan ko sila. "Excuse me, saan ang office ng Head Mistress?" Tanong ko. Lumingon sila sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa saka nagbulungan at nagtawanan. May lumapit na isang babae sa akin, "Nakikita mo 'yang room na yan? 'Yan ang HM's office." Nakaturo siya sa room na katabi ng puno ng kayumito (star-apple). "Thanks," pasasalamat ko at pumunta na sa HM's office. Kumatok ako ng tatlong beses. "Bakit ka nag-walkout?" Napalingon ako sa aking likuran at nakita silang pito. "Eh sa gusto ko, paki mo?" Masungit na sagot ko at tumingin na sa pinto. Bumukas iyon at may pandak na lalaki ang lumabas. Hindi pala pandak, para siyang nuno. "Amoy...tao," sabi nung nunong lalaki. "Bakit? Ano bang amoy mo? Amoy duwende?" Tanong ko na agad niya namang ikinainis. Samaan ba naman ako ng tingin. WAAH, I'm scared! Uwooo scared ako sa duwende paki sipa na langs! "Ah, pasensya na ho Mr. Dwarf! She's Mirabelle Alonzo, the transferee," biglang singit ni Luke. Dwarf? Pfft.. duwende! Nays wan, Mr. Duwende, HAHAHAHA! "Hmmm, get in. Kanina ka pa inaantay ng Head Mistress," masungit na aya ni Mr. Duwende at mas binuksan ng malaki ang pinto. Nauna akong pumasok at ramdam ko namang sumunod sila. May babaeng nakaupo sa swivel chair. Naka-all in red ito mula sa lipstick hanggang sa dress na suot niya. Yung totoo? Head Mistress ba siya dito? O Head siya ng mga babae sa bar? "I wonder why Vleuchers Brothers are with Mirabelle Alonzo," sabi ng Head Mistress. "Hindi niya ba muna kami papaupuin?" Iritang bulong ko at humalukipkip. "I heard that," sabi ni HM kaya napairap na lang ako. "Have a sit." "Then, congrats. You have a great sense of hearing," walang ganang tugon ko at umupo na kami. May sumiko naman sa akin kaya asar kung nilingon ang may salarin. Ang sama ng tingin sakin ni Ethan na syang katabi ko at malamang sa malamang ay ang sumiko sa akin. "Your father didn't mention that negative attitude of yours. So rude," sabi ng HM na ikinatingin ko sa kaniya. "Thanks, I accept that as a compliment," sarkastikong tugon ko at binalingan si Ethan. Inirapan ko siya ng bongga. "You're welcome! I wanna inform you that everyone here are vampires," daglian akong napatingin kay HM. "You gotta be kiddin' me. Vampires don't exist, " sabi ko at tumayo. "Can you just give me my uniform?" "Mr. Dwarf, please get the uniform at the drawer," utos niya kay Mr. Duwende na agad naman nitong sinunod. Kinuha niya ang uniform at inabot sa akin. Hinablot ko iyon. "You're with vampires, don't you know?" Nakangising tanong ni HM at tiningnan ang mga kasama ko. "Oh, I'm scared! Daddy help me!" Sarkastikong hiyaw ko. "Bitter luck next time, Ma'am," sabi ko at padabog na lumabas at sinara ang pinto. Tuluyan na sana akong aalis ng marinig ang usapan pa nila. "She know nothing, HM," boses iyon ni Liam. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa pinto at idinikit ang tainga ko doon. "You must tell her para alert siya sa ibang mga estudyante dito. Some of them might attack her. Bakit kasi inililihim ni Francisco ang bagay na 'yan?! She need to know everything!" Sigaw ni HM. A-anong... bampira talaga sila? May inililihim sakin si Daddy? Seryoso talaga? Bampira talaga sila? No joke? Legit? "We gotta go, HM. Baka kung saan na yun nakarating," sabi ni Liam. "You're eavesdropping." "Ay bampira!" Gulat na sigaw ko at napatingin sa aking likuran. Nandoon na silang pito at prenteng nakatayo. Omaygas, hindi sila dumaan sa pinto! "I-I didn't! H-hinihintay ko lang kayo," depensa ko at umiwas ng tingin. Ramdam ko ang panginginig ng binti ko, umiinit din ang gilid ng mga mata ko. "I-I have to go!" Sigaw ko at kumaripas ng takbo papalayo sa kanila. I'm not safe! I'm in danger! Napaupo ako sa damuhan ng may mabunggo ako. Isang matangkad na lalaki. Hindi ko makita ang mukha niya dahil against the light ang kinatatayuan niya. Isang bagay lang ang halata sa mukha niya, ang dalawang mapupulang mga mata. Agad akong napatungo at pumikit. Sa pagpikit ko'y mga butil ng luha ang nag-unahang tumulo. "You shouldn't run away from us, we won't suck your neck," mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ng nagsalita. Walang emosyon pero nanunuot ang bawat salitang sinasabi niya. "You won't?" Paninigurado ko at nag-angat ng tingin. Tumango siya. "Paano ang iba diyan?" Tanong ko pa uli at itinulak siya. Pinunasan ko ang mga kuha ko at tumayo. Tumayo na rin si Ethan. Yeah, it's him. "Kaya nga kami nandito," sabi niya at itinuro ang mga kapatid niya na nakatingin sa amin. "...para magbantay sayo. Ikaw na ang nagsabi kanina na kami ang mga gwapo mong bodyguard, diba?" "Na pangit ang ugali," dugtong ko, nagtawanan naman sila. Bumuntong hininga na lang ako at pilit na ngumiti. "Tara na sa CR," biglang sabi ni Luke matapos tumawa na ikinagulat ko. "Sasamahan ka namin magpalit ng uniform," dugtong niya. "Okay, lead the way." Pagkarating sa Ladies' comfort room ay pumasok na ako habang sila ay naiwan sa labas. Pumasok ako sa isang cubicle at nagpalit. Palabas na sana ako ng cubicle ng may marinig akong pumasok. "I wonder kung sino 'yung girl na kasama nina Liam kanina. And just what the heck, ah! Niyakap pa siya ni baby Ethan! Wait a minute, I smell something new, something... amoy ng tao! Shamara!" Rinig kong sigaw mula sa kabilang cubicle. "I smeel that, too," sigaw naman 'nung Shamara daw na mukhang naghuhugas ng kamay sa sink. U-oh! This is not good! Narinug kong bumukas ang main door ng CR. "Excuse me, girls! I just need to fetch someone," boses iyon ni Luke. "Mira, tapos ka na?" "Y-yes, k-kaso kai.. omaygas!" Sigaw ko ng bigla na lang bumukas ang pinto ng cubicle ko. Tumambad sa akin si Luke, sinamaan ko siya ng tingin. "Let's go?" "T-tara! Tara!" Sagot ko at agad kaming lumabas ng CR. Dang! Kinilabutan talaga ako! Daddy, sasabunin kita ng mga tanong bukas! I swear! Pagkalabas ay hinihintay na pala kami ng anim. "Bagay sayo 'yung uniform ah!" Bati ni Dylan na hindi ko rin na-appreciate. "Hindi bagay sakin 'to!" Protesta ko. "Bakit hindi?" Takang tanong nila. Napanguso ako, "Hindi naman ako kagaya niyo. Anyway, wala ba akong kaklase ni isa sa inyo?" "Ah, kaklase mo si Lucas at si Ethan," sagot ni Liam. "Nice! Baka pwede na tayong pumasok?" Tanong ko. "Sakto! Two minutes na lang, bye!" Sigaw nila at dahan-dahang nawala. E-eh? I saw it in my own eyes, right?! Nag-vanish talaga sila, omaygas. "Tara na," napapitlag ako ng may humawak sa magkabilang balikat ko. "Woi, anong ginagawa niyo?!" "Magte-teleport tayo, ayaw mo?" Masungit na tanong ni Ethan. Amp, gwapo nga kay sungit naman. Daig pa ang tulad kong dinadalaw, dang! "Syempre, gusto!" Sagot ko. Naging blurred ang paningin ko at mayamaya ay nasa tapat na kami ng isang pinto na may naka-ukit na "Section E". Nilibot ko ng tingin ang buong floor at ang masasabi ko lang. "Ang astig!" Sinipa ni Ethan 'yung pinto na agad namang bumukas. Wala pang teacher, late? "Tara na," hinila nila ako papasok at pumunta kami sa pinakalikod at umupo. Narinig ko pa ang mga pagsinghot ng mga nadadaanan namin. "Ang tatalas ng mga pang-amoy, maybe you should use this," sabi ni Lucas at may inilabas na cologne. Kinuha ko iyon at inamoy, "Yaks! Ang baho, ang baho! Ayoko niyan!" Sigaw ko at agad na ibinalik sa kaniya ang cologne. "Ang arte mo," sabi niya at ibinalik sa kaniyang bag ang cologne. "Oo na lang." "Good evening class!" Bati ng isang babae na kakapasok lang. Nilapag niya ang dala niyang mga gamit sa table na nasa harapan. "Good evening, too. Mrs. Concepcion!" Bati nila pabalik. Gumala ang mga mata ni Mrs. Concepcion sa buong classroom at huminto sa akin. "Transferee?" Tanong niya na tinanguan ko. "Please stand up," utos niya. Agad na naglingunan dito sa likod ang mga kaklase ko ng tumayo ako. "Introduce yourself. " "Good evening, I'm Mirabelle Alonzo. Seventeen and... not a vampire," sabi ko at umupo. "Why did you say that?" Kunot-noong tanong ni Lucas at Ethan sakin. "Say the what?" "Na hindi ka bampira?" "Eh alangang sabihin kong bampira ako kahit hindi naman," sagot ko. "Then, it's you! Paanong nakapasok ang isang tulad mo dito?" Tanong ni Mrs. Concepcion. "Actually, hindi ko alam kung anong ginawa ng Daddy ko," sagot ko. "May I know his name?" "Francisco Vladimier Alonzo, Ma'am," sagot ko. Napanganga silang lahat na ipinagtaka ko. "What's with that reaction?" "If he's your father then your absolutely a vampire!" Sabi nila. "W-what are you t-tryin' to say?" Kinakabahang tanong ko. Sinasabi niya bang bampira si Daddy?! "Your father is a vampire. Actually, not ordinary one," sagot ni Ma'am. "You gotta be kidding me," naibulalas ko na lang at napailing. "Let's not talk about this for now. That's not our topic for today. Take out your notebook and put down this things," sabi ni Ma'am at itinutok ang projector sa white board. Wala sa sarili kong kinuha ang aking notebook sa Science at isinulat ang naka-project sa white board. •• "You may now take your break time!" Anunsyo ni Mr. Dela Cruz at inayos ang mga gamit niya. "Tara na?" Tanong nina Lucas at Ethan. Tiningnan ko sila sa mata at tumungo, "Alam niyong bampira si Daddy?" "Yes," sagot nila. "Why you didn't bother to tell me?" Tanong ko at tumayo. "We're not in the position to tell you tho," sagot ni Ethan na ikinangiti ko na lang ng mapait. Tama nga naman, ilang oras pa nga lang kaming nagkakakilala eh. Ako lang talaga ang feeling close, tsk! "Hmmm, tara na sa canteen niyo," walang ganang aya ko at naglakad palabas. Ramdam ko namang agad silang sumunod. "Hey, watzzupp?? Bakit nakabusangot ka?" Tanong ni Liam pagkababa namin ng hagdan at makasalubong namin sila. Kumpleto na kami. "Gutom na ako, saan 'yung canteen niyo?" Tanong ko rin pabalik. "Ah, tara. Sumunod ka samin," sabi niya at naunang naglakad kaya sumunod ako sa kaniya. Bale napapaikutan nila akong pito. Dahil masyado silang matatangkad, wala akong makita. 'Ni dinadaanan namin hindi ko makita eh. "Mga kapre! Pakiusap huwag niyo akong siksikin!" Sigaw ko at pinagtutulak sila. "Ang arte mo. Ayaw mo nun, napapaikutan ka ng mga gwapo?" Tanong ni Lucas na nakangisi pa. "Na mahangin at pangit? Of course not!" Sagot ko at inirapan siya. "Arte talaga, tsk!" bulong niya. "Ayon ang canteen dito," biglang salita ni Liam habang nakaturo sa canteen. "Ano naman ang makakain ko diyan, aber? O meron naman kaya?" Tanong ko at humalukipkip. "Syempre! Merong burgers diyan. May meals, dessert, water at iba pa," sagot ni Liam. Parang kami lang talaga ang close, display 'yung iba. Pakitapon naman ng mga display. "Ganun pala, edi tara na! Gutom na ako eh!" Sigaw ko at tumakbo papasok ng canteen. Pagkapasok ay agad na bumaling sa akin ang mga tao este mga bampira pala. Mukhang hindi naman nila ako basta-bastang aatakehin kaya nagdire-diretso na ako. Pagdating sa counter ay tiningnan ko ang estante. "Fishda nga po, yung malaki saka ahmm.. wala ho kayong Fit 'n' Right?" "Fit 'n' Right ba kamo? Wala ineng. Wala naman kasing naghahanap ng Fit 'n' Right dito, ikaw pa lamang. Meron kaming b****y juice dito saka mineral waters," sagot ng tindera. B-b****y juice kamo? I wanna vomit! "A-ah, mineral water na lang ho!" Sagot ko at lumingon sa likuran. Nakapila na din sila. "Ito ineng oh," sabi ng tindera kaya humarap na ako sa kaniya. "Magkano ho ba?" Tanong ko at kinuha ang wallet sa aking bulsa. "Seventy-five pesos, ineng," sagot niya kaya nagabot ako ng 'sang daan. "Keep the change po," sabi ko at kinuha ang tray. "Doon ka pumwesto sa pinakagitnang mesa. Amin 'yun," utos ni Ethan at itinuro ang mesa na nasa gitna. "Seryoso ka? Palalakarin mo ko ng mag-isa papunta doon habang madadaanan ko ang mga bampira?" "Bampira ka naman, ah. They won't hurt yo.... ouch!! Why did you kick me?!" Hiyaw niya ng sipain ko siya sa tuhod. "Ha! Isusumbong kita kay Daddy!" Sigaw ko at padabog na naglakad palayo doon sa counter. Nagmamadali naman akong pumunta doon sa mesa daw nila at umupo sa isang upuan. Nilapag ko ang tray sa mesa at kumain. Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang naglitawan sa harap ko ang pito, muntik pa akong mapatili. Dang! It's unfair! Napabaling ako sa isang bote na may laman na pulang likido, kaparehas nung red wine sa mansikn nila kanina! "A-ayan ba 'yung b****y juice?" Tanong ko. "Yup!" "Same ba yan... nung na nasa mansion niyo?" Kinakabahang tanong ko. "Yup!" "Nani kudasai?! WAAAH!" Sigaw ko at inalala 'yung kaunting pulang likido na ininom ko kanina. "What the.... bakit hindi niyo kagad sinabi?!" Gulat naman silang napatingin sakin dahil sa biglang pagsigaw ko. Kahit ang mga bampira na nasa kalapit na mesa'y nagulat rin. "W-what the heck are you sayin'?!" "Bakit hindi niyo sinabing dugo pala yun?! Bakit lasa pa ring grapes?! WAAAAH I hate y'all!!" Sigaw ko. "Wait, you've taste this?" Tanong ni Jacob. Masama ko siyang tiningnan, "Oo, nagkalaman 'yung basok ko eh. Tsk!" "Lasang grapes naman pala, nag-iinarte ka pa," masungit na sabi ni Ethan. Dahil katapat ko siya ay sinipa ko siya sa paa. "Ouch!" Hiyaw niya. "Hey bro, are you okay?" Tanong nila sa kaniya. Sinamaan niya muna ako ng tingin bago pilit na ngumiti, "Yeah, I'm okay. May surot lang na kumagat sa binti ko." Surot? WTF HAHAHAHA! "So, how's your first two subject?" Tanong ni Liam na nakatingin sa akin. "Not good, nalaman ko lang naman na bampira si Daddy na malamang ay ako rin. Ang dami niyong pasabog, gusto ko na lang umuwi't matulog," sagot ko. Tiningnan nila ako na parang naaawa kaya inirapan ko sila. "Huwag niyo 'kong tingnan ng ganiyan dahil mas lalo lang akong naaawa sa sarili ko. Hindi ko ineexpect 'to sa totoo lang. Akala niyo siguro okay at absorb ko na lahat ng nalaman ko ngayon, 'no? Kasi parang normal lang akong mag-react. Pero 'yung totoo, wala akong ma-gets. Hindi ko tanggap 'yung nga naririnig ko kasi kailangan ko ng paliwanag." Sabi ko at humikab. Tahimik lang sila at halatang walang masabi. Anong oras na ba? Inaantok na ako. "Nine-forty three pa lang," sabi ni William na nakatingin sa relo niya. "You can read my mind?" Tanong ko at sumubo ng Fishda. Nagtanguan naman sila. "Lahat mababasa niyo? Edi walang privacy?" Tanong ko uli. "Mababasa namin lahat unless kaya mong itago ang iniisip mo," sabi ni Lucas. "Natatago ba 'yun? Nakakaloka," natatawang tanong ko at sunod sunod na sumubo ng Fishda. "Kung kaya mong kontrolin at itago ang tunay mong emotion at reaction, madali na lang yun," sabi ni Dylan. "Hmmm, okay. Anong oras babalik sa klase?" Pag-iiba ko na lang ng usapan. "Ten pa yun," sagot nila kaya kumain na lang ako. Tahimik kaming kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD