Chapter 6:
In this chapter, Gabion sees Arzelle in her building applying for work and he immediately calls HR to hire her because of the urge of his son! Zuri and Arzelle met again. Zuri throws an insult to Arzelle... On her first day at work, the jealous staff of the airlines did not let her pass because it was Gabion Araneta who hired her.
***
Hired
(Gabion POV)
Nagulat ako nung makita si Arzelle sa Airline Building ko.
Anong ginagawa niya dito?
May kilala ba siyang nagtatrabaho dito?
"Grabe ang gwapo niyo naman." Bulong ni Arzelle. Namumula ang pisngi niya.
"Ano yon Miss?"
"Ah Sir, wala po. Excuse me po. Di ko na po kayang pigilan! Sorry I have to go," usal niya pa piga ang tyan at nanakbo na kung saan. Nagmamadali siya!
Nakatingin lang ako sa likod niya. Okay lang kaya siya?
"Luis, alamin mo kung anong ginagawa ni Arzelle dito," utos ko kay Luis na nasa likuran ko at humakbang na papunta sa elevetor.
"Yes Sir," sagot ni Luis.
Tumuloy na ako sa opisina para tingnan ang schedules ng flights ko.
Piloto ako kagaya ng Dad ko at ang Araneta Airlines at iba pang negosyo ni Daddy ay namana ko. Kahit ako na ang may-ari ng Airlines namin, nagpipilot parin ako sa isa sa aming special plane, VIPs ang kadalasang pasahero ko, king, queen, princess, prince, president, singers, actors, athlete at iba pang may mataas na titulo ang kadalasang pasahero ko.
"Sir Gabion ako to si Luis," tawag ni Luis sa labas.
"Pasok ka, Luis."
Pumasok na si Luis at lumapit sa table ko.
"So?"
"Sir, about Miss Arzelle. She came here to apply for a job," bigay inpormasyon ni Luis abot ang mga requirements ni Arzelle.
"Oh bakit umalis siya agad? Mukhang di pa naman tapos ang recruitment?" Takang tanong ko sipat ang mga papers tungkol kay Arzelle.
"The staffs don't know Sir. Umalis lang siya agad baka po may emergency." Nakayukong sagot ni Luis.
Baka masama ang tyan niya kaya nagmamadaling umalis base sa kung paano niya pigain ang tyan niya kanina.
"Notify the HR. Hire her immediately!" Utos ko!
"But Sir base sa requirements niya, di siya qualify sa kahit anong position sa company," reklamo ni Luis.
"Luis, malaki ang utang na loob ko kay Arzelle. Niligtas niya ang anak ko."
"Yes Sir! Alam ko pong may dahilan ka. Kayo po ang masusunod. Parecord ko na po si Miss Arzelle," sang-ayon ni Luis.
"Luis, tawagan mo agad si Arzelle for final interview and training!"
"Yes po."
***
(Arzelle POV)
Di na ako bumalik para magpa-interview. Siguro di talaga para saakin ang pwesto sa Araneta Airlines.
Umuwi agad ako para makakain. Kailangang kung bumili ng mas maayos na damit para sa pag-aapply. Di ako susuko hanggat wala akong trabahong mapasukan.
Di ko hahayaang pagtawanan ako ni Zuri at Daniel!
Pagdating sa bahay naghanap agad ako ng makakain pero wala man lang pwedeng makain!
Huminga na lang ako ng malalim. Inayos ang sarili ko para lumabas at makabili ng mga formal na damit pang-apply!
Sa isang boutique ako napadpad. Pumili agad ako ng formal at maayos na damit.
Saktong napansin ko agad ang kulay pink na formal na palda at office coat. Tamang tama at mukhang komportableng isuot.
Kinuha ko agad at sinipat sipat.
Napalunok ako nung nakita ang pricetag.
Aww di ko afford. Siguro bilhin ko na lang ang damit nato kapag nagkatrabaho at nagkasahod ako!
Hanap na lang ako ng mas mura.
Nakayoko ako habang naghahanap ng mas murang damit nung may humarang na mga paang may suot na nakakatakot sa taas na heels!
"Excuse po. Padaan!" Usal ko na nakayuko.
"What a coincidence Arzelle!" Boses ng babae kaya napaangat ang tingin ko!
"ZURI!?"
"Surprise!" Taas kilay na sabi neto kasabay ng pagismid.
"Pakalat kalat ang espirito ng kadiliman!" Bulong ko sabay umirap.
"Kawawa ka naman, wala bang mas murang damit kang nakita noh? Mula nung hiniwalayan ka ni Daniel naging mas mahirap ka na! Nakakaawa," pangungutya ni Zuri.
"Naghirap ako dahil sayo Zuri pero di pa ako nawawalan ng pag-asang makabangon!" Sagot ko at tinaasan siya ng kilay.
"Wag ka ng umasa pa b***h! Dahil kay Daniel kaya ka nagkaroon diba? Walang tatanggap sayo dahil di kanaman nakapag bachelor's degree! Magmakaawa ka na lang saakin baka pwede pa kitang papasukin bilang janitress ng studio ko!" Mataray na sabi ni Zuri.
Pinigil ko ang sarili kong sampalin ang makapal na mukhang si Zuri.
Nagulat pa ako nung tumunog ang cellphone ko!
"Hello?" Sagot ko.
"Si Miss Arzelle Ordanesa ba ito?" Tanong ng nasa linya.
"Opo, ako po?"
"Araneta Airlines invited you for final interview and training Maam," sabi pa ng nasa linya.
"WHAT? PAANO? DI AKO NAKAPAG-APPLY NG PORMAL?!" Gulat na usal ko.
"See you Miss Arzelle!" Sabi pa sa linya bago naputol.
"Oh my goshhhhhhh!" Sigaw ko.
"What? Sabi ko naman sayo walang tatanggap sayo!" Iling ni Zuri.
"Aw mukhang nagkakamali ka Zuri dahil training ko na sa Araneta Airlines bukas!" Pagmayabang ko tinaasan siya ng kilay.
"What? Araneta Airlines? Paanong ang kagaya mo natanggap doon?" Takang usal niya.
"Yes! Ganyan talaga ang karisma ko. So, paano ba yan, goodbye kailangan ko kaseng magbeauty rest para bukas. Byeee!" Pang-aasar ko pa kay Zuri at tinapakan ang paa niya bago umalis!
"Araaaaaaay!" Hiyaw neto.
"Ay sorry, paano nakaharang ka kase! Babyeeee!" Iling ko at nanakbo na paalis bago pa magantihan ni Zuri.
Lumingon pa ako para makita ang mukha ni Zuri na halos di makapaniwalang natanggap ako sa Araneta Airlines!
***
(Kinabukasan)
(Araneta Airline Building (AA)
"Miss Arzelle, dito ka na muna habang inaasikaso pa namin ang posisyon na dapat sayo. Kung may kailangan ka hanapin mo lang ako!" usal ni HR ng AA.
"Opo sige po. Kahit anong trabaho po gagalingan ko!" Determinadong usal ko habang sinisipat ang sosyal na building ng Airline!
Grabe ang laki ng building nato. Sa labas kita mo ang napakalawak na runway at maraming klaseng aircrafts, airlines, jets at iba pa!
Halos lahat ng tao sa building busy na busy at seryoso sa ginagawa.
Nauhaw ako kaya pumunta ako kung saan ang kuha-an ng tubig ng mapansin ko ang mga nagkukumpulang babae sa malapit water Despenser!
"Alam niyo guys, yang babaeng bagong salta, sa pagkakaalam ko wala yang tinapos pero bakit kaya nakuha para magtrabaho dito?" Bulong nung isang babae na may HR na nakatatak sa uniform. Siguro isa sa tumingin ng requirements ko.
"Balita ko di nga yan na ininterview, tapos nandito na para sa training!" Dagdag pa ng isa.
"Nako binangga niya lang naman si Sir Gabion kaya siya napansin at hi-nire ni Sir Gab!" Iling pa ng isa.
"Nilandi niya lang si Boss kaya siya napansin!" Dagdag pa ng isa.
"Babaeng yon wala man lang hiya!" Galit na bulyaw nila.
Napailing ako. Tama naman sila, di ako qualify sa kung ano mang posisyon ng kompanyang to.
Kahit ang HR di alam kung saan ako ilalagay!
Napailing ako. Bahala na! Kahit anong posisyon pa yan. Gagalingan ko.
Bigla na lang nagkagulo kaya binilisan ko na ang pagkuha ng tubig at paglagay sa tumbler ko para makaalis na.
"Isn't it Sir Gab?"
"Sir Gab is coming waaaaah!" Sigawan ng mga babaeng nadoon.
"Hello Sir Gab!" Bati nila.
Damn si Gabion nandito! Yumuko ako para di makita at humanda na para umalis.
"Arzelle!" Tawag ng pamilyar na boses. Damn!
"Ah eh Sir Gabion!" Usal ko halos di makatingin sa mga babaeng nandoon na masama ang tingin saakin!
"Are you okay now? Napansin kong namilipit ka dahil sa tyan mo kahapon. Nag-alala ako!" Pangungumusta ni Sir Gabion hawak ang mga kamay ko at di man lang pinansin ang mga matang nasa paligid.
Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Gabion para di ako paginitan ng mga babae doon.
"Okay lang po ako! Kumusta si Gaelle at Gale?" Bulong ko.
"They're good. They miss you. Lets talk about your job, go to my office and wait for me there. I have to attend some meeting first," utos ni Gabion at sumunod na kay Luis na kanina pa senyas na aalis na.
Tumango lang ako at nakatingin lang sa likod ni Gabion habang papaalis.
"HOW DARE YOU! FLIRT WITH SI GAB IN YOUR FIRST DAY HERE!" Pigil ng babae sa kamay ko!
"Huh, flirt no," iling ko.
"WALANG HIYA KA! PAANO MO NAGAGAWANG MAPANSIN NI SIR GAB! SAMANTALANG KAMI TAON NA DITO NE MINSAN DI MAN LANG NATINGNAN NI SIR GAB?!" Dagdag pa ng isa at puno ng galit.
"Wala po akong ginagawa. Di po ganon yon. Nagkakamali kayo!" Paliwanag ko sabay atras.
"HABANG WALA PA SI SIR GAB, MAGLINIS KA NG CR, MAGPRINT AT MAGFILING KA MUNA DOON SA STOCKROOM!" Utos nila.
Napatango na lang ako. Nakakatakot talaga ang mga inggitera!
Kaya ko to! Kailangan ko to!
Haist nakahanap nga ako ng trabaho di naman ako masaya!
***
Nagawa ko na lahat ng pinagawa sakin pero wala parin si Gabion.
9 pm na kaya nagpasya na akong umuwi.
Gutom na ako. Halos maubos pa ang pera ko dahil ako pa ang bumili ng mamahaling panlinis ng banyo nila. Marami naman janitor pero mas gusto nilang pahirapan ako.
"Sorry sa paghihintay!" Si Gabion na bigla lang sumulpot.
"Po? Okay lang po?"
"Lets go home! Gusto kang makita nina Gaelle at Gale! Doon ka na rin kumain at magpahinga. Kailangan mo ng lakas para sa trabaho!" Usal ni Gabion akay ako papunta sa parking.
"Teka po!"
"Bukas sana pumayag kang samahan muna si Gaelle. Request niya kase!" Dagdag niya pa bukas ang kotse niya para papasukin ako.
"Pero!"
"Nga pala Arz, ang magiging trabaho mo sakin ay cook! Sa tuwing may flight ako ikaw ang magluluto sa mga passengers ko! Wag kang mag-alala mga nasa 50 to 200 lang naman ang passengers ko! May makakatulong ka rin. Kung saan ang flight ko kailangang doon ka rin!" Sabi niya pa.
"Huh? Pero Sir Gab!"
"Ito pala ang paunang sahod mo!" Usal niya pagkaupo sa driver's sit abot sakin ang makapal na envelope!
Teka di ako makasingit ah.
"Di ko po ito matatanggap. Wala pa po akong nagawa!" Nag-aalangan sagot ko.
"Kakayanin mo ba ang magiging trabaho mo?" Tanong niya.
"Kakayanin!"
"Then accept this money. Para may pang gastos ka!" Utos niya, nginitian at pinaharurot na ang sasakyan niya!
Naimagine ko na ang masarap na higaan, pagkain at kasiyahan kasama sina Gabion at ang kambal niya.
Maswerte parin ako kaya kahit anong trabaho pa yan kakayanin ko basta malapit lang ako sa mag-ama!
At last I'm hired!
***
Announcement: Kung gusto niyo pong mabasa to ng buo, it's Exclusive on G00dn0vel App. Download the app and search MaidenRose7, andoon ibang mga series at stories ko na completed. See you there ?