"Take me now, Dean... Take me completely." Titig na titig sa kanya si Gerard Dean Contreiras na parang hindi pa rin ito makapaniwala sa presensiya niya at lalo pa itong tila hindi makapaniwala sa sinabi niya. In the past few months, naging busy siya sa pagharap sa sunud-sunod na problemang kinaharap niya at ng organisasyon niya. Kahit ang ilang mga kakampi niya ay sinugod din ng hindi pa rin nakikilalang leader ng mga kalaban. Nalaman din nila nina Hunter na diversion lang ng kalaban ang paghahanap sa Crown Stone dahil ang talagang pakay nito ay ang patayin siya, kahit sino pa siya o anuman ang meron siya. Nagsimula na nga ang mga kalaban na gumawa ng mga aksiyon para pahinain ang puwersa niya bilang paghahanda nito sa darating nilang giyera. At dahil sa mga sunud-sunod na kinaharap ni

