"What's up! Late ka yata ngayon, pare? Nahirapan ka bang takasan ang babae mo tonight?" Sinamaan niya ng tingin ang nakangising si William nang salubungin siya nito ng ganoong tanong paglapit niya sa mga ito sa loob ng bar ng kaibigan nilang si Clinton. He's so talkative for a man and sometimes it gets so irritating! Just like now. Kakarating lang niya pero nagsisimula na agad itong daldalan siya. Kausap lang nito si Luke kanina habang tila malalim naman ang iniisip ni Bruce at umiinom. Si Brian ay napakabihira na nilang maka-bonding dahil pamilyado na itong tao at takot pa yata sa asawa nito. Tss. Ilang taon na ring nasa ibang bansa si Clinton para gamutin ang nasaktan nitong puso dahil lang sa isang babae kaya sila munang mga kaibigan nito ang pinapa-manage sa bar na iyon. Him, Brian,

