Nakatanaw si Debbie kay Dean habang papalabas na ito sa gate ng bahay niya. Just a while ago, she avoided showing to Dean that she's also deeply hurt for the loss of their baby especially when he decided that he will be leaving for good. Kahit masakit din sa kanya ang mga nangyari, mas mabuting ganoon na nga ang gawin ni Dean. She can protect him better if he stays aways from her. Masyado pang magulo ang mga pangyayari sa buhay niya lalo na at may nakaambang panganib sa buhay niya. Hindi lang sa buhay niya kundi maging sa mga malalapit sa kanya at mga kakampi niya. If Dean leaves, she would be less worried about him. Papabantayan na lang din niya ito sa tauhan niya sa Pilipinas nang hindi nito nahahalata. Nang tuluyang makalabas si Dean sa gate ay napagawi naman ang tingin niya kay Hunt

