It's already dark, at naroon na naman siya sa labas ng bahay ni Debbie para magbakasakaling umuwi na ito roon o magpakita na ito ulit sa kanya bigla. It's been few months since he last saw her. Damn! Pero bakit tila bigla na lang nawala ang dalaga pagkatapos ng araw na iyon? Matapos niyang ihatid noon si Deborah ay bumalik siya kinahapunan sa bahay nito. Pero ayon sa maid nitong weirdo ay wala raw ito at hindi nito alam kung saan pumunta o kung kailan babalik ang amo nito. Bakit niya nasabing weirdo ang maid ni Debbie? Kasi kakaiba itong tumingin sa kanya, malalim na medyo matalim. Isa pa, masyado itong mausisa, bukod sa may kakaiba din itong ganda. Parang maid na may lahi. Tsk. There's really something different about that maid! Para bang hindi talaga ito maid! Still, hindi naman siya

