"Please, Debbie, please! Let's make a different approach. That idiot nearly took advantage of you earlier!" Napangiwi siya sa sinabi ni Hunter dahil alam niya sa sarili niya na may naging kapabayaan siya. Nakatalikod naman siya rito kaya hindi nito iyon nakita. Nang mahamig ang sarili niya ay saka niya ito hinarap at dominanteng tinaasan ito ng mga kilay at kinausap. "At anong legal approach naman ang naisip mo na mas madali kaysa sa plano ko, huh?" Natigilan saglit si Hunter at napatitig sa kanya dahil sa tanong niya. Naroroon na sila nang mga sandaling iyon sa sala sa loob ng bahay niya. Bukod sa mga kasambahay ay si Hunter lang ang lalaking tauhan niya na nakakapasok doon at wala nang iba. "We can plant someone inside his house. Probably, a maid—" "Eh paano kung wala roon ang hina

