Kung Pagkakataon ang Sumubok

6173 Words

Chapter 11 "KUNG PAGKAKATAON ANG SUMUBOK" Sasagot palang sana si Markie nang nakita niya ang pamilyar na mukha na pumasok sa Restaurant. May hawak itong balumbon ng red roses. Gusto niyang magtago dahil hindi pa siya handang mag-out sa taong ito ngunit huli na. Nagtagpo na ang kanilang mga mata. Napalunok siya. Nahalata niyang natigilan at sa pagkagulat nito ay bahagyang huminto. Ngunit ilang sandali lang iyon at muling nagpatuloy sa paglalakad. Naisip niyang maaring girlfriend nito ang nasa dulong naghihintay. Kinawayan siya nito. Kumaway din siya kahit namumula sa hiya. Lumingon si Ken sa kinawayan na iyon ni Markie. Nakita niya ang guwapo, maputi at mas may magandang tindig kaysa kay Markie. Ngunit nagkamali si Markie sa hinala niya. Halos mahulog siya sa kaniyang kinauupuan nan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD