"THE PAST EPISODE" Sa dinami-dami ng hotel na puwedeng pagdadausan ng kanilang "Get Together Party" ay doon pa sa kung saan may unang nangyari sa kanila noon ni Drew. Hindi magawang bumaba ni Markie sa kaniyang kotse kahit kanina pa siya nginingitian at kinakatok ng valet parking attendant. Mabilis kasing bumalik sa kaniyang alaala ang lahat. Paano ba niya makakalimutan yung isang Markie na may pagkainosente sa pag-ibig na dinala ni Drew noon dito? Yung Markie na nag-aakalang isang fairy tale ang lahat ng relasyon. Napakalaki na ng nabago sa kaniya ngayon at sa katayuan niya sa buhay. Hindi na siya yung Markie na kailangan pang balutan ni Drew ng suot nitong suit para lang makapasok. Ang Markie noong nakasuot ng bumubuka at pudpod na itim na sapatos, itim na pantalong manipis na sa kaluma

