"ONE NIGHT STAND HANGOVER"

4871 Words
ONE NIGHT STAND Chapter 3 "ONE NIGHT STAND HANGOVER" Sandaling nanibago siya nang magising siya. Kumikirot ang kaniyang ulo. Malambot na kama, malamig at mabangong kuwarto at... hubad siya? Muli niyang ipinikit ang mga mata, uminat at humikab. Bigla siyang bumangon nang mahimasmasan. Pumasok agad sa isip niya ang kasama niya sa kuwartong iyon. Si Drew! Hindi na niya makita si Drew sa tabi niya. Wala na din ang mga damit nito. May nakita siyang pera sa tabi ng unan ngunit hindi niya iyon pinansin. Nagbabakasakali siyang nasa banyo lang si Drew at naliligo. Baka nga sinusubok lang siya nito sa perang nasa kama. Pinapainan siya ng pera. Hindi niya mapigilan ang di kiligin habang naglalakad siya papunta ng CR. Gusto niya yung nangyari kagabi. Totoo ang halik, ang yakap at init ng kanilang p********k. Gusto niya ang kaniyang nararamdaman at handa niyang ibigay ang sarili ng pauli-ulit. Bigla siyang nakaramdam ng init. Baka naliligo pa siya, pwede pa niyang sabayan, maaring may mangyari pa bago sila magcheck-out. Nakaramdam siya ng lungkot ng di na niya naabutan pa doon si Drew. Minabuti niyang maghilamos na lang muna, nagbabakasakaling maibsan ang kaniyang hangover. Bumalik siya sa kama. Nakita niya ang telepono. Mabilis niyang hinanap ang number ng reception ng hotel,.Baka mabigyan siya ng impormasyon. "Magtatanong lang ho sana ako kung nagcheck-out na ang kasama ko sa room?" Umaasa siya sa kahit anong inpormasyon. "Kagabi pa ho pero bago siya umalis, sinabi niya pong siya ang magbabayad sa kahit anong gusto ninyong oordering breakfast o maiinom bago kayo lumabas. 12 Noon po ang check out time natin sir." Huminga siya ng malalim. Kagabi pa pala ito umalis, bakit di man lang siya nito sinabihan? "May maitutulong pa ba ako, sir?" "Bayad na ba ang room?" tanong niya nang maisip niya ang peran iniwan sa kama. "Opo. Binayaran na ho kagabi bago umalis. Regular naman ho naming customer si Sir. Bilin niya na magsabi lang daw kayo kung may gusto po kayong kainin o inumin." "Ahmm." nag-isip muna siya. "Fruit juice and cold water, any fruit juice po huwag lang orange juice." Pagkababa niya sa telepono ay ibinagsak niya ang katawan sa kama. Muli niyang nakita ang perang iniwan sa kaniya ni Drew. Naiinis siya. Nanliliit sa sarili na para bang binayaran lang siya sa nangyari kagabi. Hindi siya bayarang lalaki ngunit iyon ang parang ipinamukha sa kaniya ni Drew. Ganoon kababa ang tingin sa kaniya? Bayaran, hindi kaibigan lalong di puwedeng mahalin. Hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit ba sobra siya ngayong apektado? Kung tutuusin, it is a win-win situation. Nakatikim siya ng kagaya ni Drew at may pera pa siyang iuuwi sa pamilya niya. Kung tutuusin hindi na siya talunan doon. Isang karanasang kailangan na lang niyang ipagpasalamat. Nang dumating ang order niyang fruit juice at malamig na mineral water para sa hangover niya ay nagdesisyon na siyang maligo na muna at uuwi. Uuwi siyang di gagalawin ang pera na iniwan sa kaniya ni Drew. Nang ipihit na niya ang seradura ng pinto ng kuwarto ay natigilan siya. Paano kung hindi ibabalik kay Drew ang perang iiwanan niya doon? Paano kung para sa kaniya nga naman talaga iyon? Naisip niya ang pangangailangan nila sa kanilang bahay. Sa susunod na araw, kailangan niyang madala ang Mama niya sa regular check up nito sa kaniyang doktor idagdag pa ang mga bibilhin nilang mga gamot. Ang kanilang pagkain araw-araw, kuryente, baon ng mga kapatid at iba pa nilang pangangailangan. Bumunot siya ng malalim na hininga. Binalikan niya ang pera. "Kung magkita tayong muli, ibabalik ko ang pera mo. Babayaran kita Drew para isipin mong hindi ako katulad ng inaakala mo. Hindi ako kolboy." Madilim-dilim pa nang nakalabas siya sa hotel. Madaling araw pa lang. Wala ng ulan at mukhang maluwang na din ang trapiko. Ibig sabihin ay humupa na ang baha. Ano na kaya ang nangyari sa barong-barong nila? Alam niyang nag-alala ang kaniyang Mama. Binunot niya ang cellphone niyang matagal na niyang hindi naloloadan nang nakasakay na siya ng jeep. May tatlong text galing sa kapatid niyang sumunod sa kaniya. Puno ng tanong at pag-aalala ang mga text na iyon. Wala naman siyang pangreply kaya binulsa na lang niya muli ang cellphone. Ito ang unang pagkakataon na di siya umuwi magdamag na walang pasabi. Nang dahil kay Drew, nagawa niyang hindi uwian ang pamilya. Gusto niyang mangako sa sarili na hindi na mauulit pa ito ngunit paano kung muli silang magkita ni Drew? Paano niya tatanggihan ang para sa kaniya, isang karanasang gusto niyang ulit nang ulitin? Maliwanag na nang nakarating siya sa kanila. Dumaan siya sa isang bukas nang carinderia sa bukana ng looban para may pagsasaluhan silang agahan. "Markie, inumaga ka yata ng uwi. Mukhang nagko-call center ka na ah." biro ng ale na madalas niyang binibilhan ng lutong ulam. "Inumaga lang ng uwi, call center agad?" nakangisi niyang sagot habang bumubunot ng pambayad. "Padagdag naman ng konting kanin diyan Aling Melba." hirit niya. "Oo ba, pogi. Kundi ka lang guwapo e." ngumiti ito. "Ay siynga pala, nangutang si Marian dito kagabi at sabi niya magbabayad ka daw ngayon." Si Marian ang kapatid niyang sumunod sa kaniya. "Sige ho, babayaran ko na din po." Hindi niya ginalaw ang perang iniwan ni Drew. Ginamit niya ang perang inutang niya kay Marlon. Magalang siyang nagpasalamat at nagpaalam nang mabayaran niya ang mga binili. Nang tinutulak niya ang sira-sirang pinto ng kanilang barong-barong ay narinig niya ang sunud-sunod na ubo ng Mama niya. Paniguradong naubusan na ito ng gamot. Naisip niyang bibili na lang mamaya pagkatapos ng klase niya. "Bakit.. Uhu uhu... bakit ngayon ka lang anak?" "Naabutan ako ng ulan Ma, bumaha na ang dadaanan ko kaya naistranded. Nakitulog na lang ako sa kaklase ko muna." pagsisinungaling niya. Hindi na nagtanong ang Mama niya. Alam niyang malaki ang tiwala ng Mama niya sa kaniya. Nakita niyang parang sardinas ang mga kapatid niya sa tuyong bahagi ng kanilang barong-barong. Basa sa ulan ang malaking bahagi ng masikip nilang barong-barong at alam niya ang tiniis ng mga ito habang siya ay nakatulog sa isang mamahaling hotel. Araw ng Sabado kaya walang pasok ang mga kapatid niya ngunit siya ang meron. May pang Sabado siyang klase dahil sinadya niyang maging maluwang ang kaniyang schedule sa hapon para may panahon siyang makapagtrabaho sa gabi. Inihanda na niya muna ang agahan ng Mama at mga kapatid niya. Kailangan niyang madaliin ang paglilinis para hindi siya mahuli sa kaniyang pasok. Dinala niya ang mainit-init na pagkain sa Mama niya na abala sa pag-aayos sa mga nagkalat na labahin. "Kumain na muna kayo Ma. Mamaya na lang ako bibili ng gamot ninyo." ipinatong niya ang pagkain sa maliit na mesa. "Itabi na ninyo ang mga labahing iyan diyan. Si Marian na ang bahala. Makakasama sa inyo ang magpagod. Lalo kayong di gagaling niyan e." pagsaway niya sa Mama niya. "Ang hirap ng ganito anak." Muli itong umubo ng umubo. "Imbes na matulungan kita, naging pasanin mo pa. Nahihiya ako sa'yo at sa mga kapatid mo. Ako dapat ang gumagawa sa mga ginagawa mo ngayon." "Paulit-ulit na nating napag-usapan ang tungkol diyan 'Ma. Magpagaling muna kayo. Kaya ko naman ih. Kinakaya naman natin." sagot niya. "Paano tayo niya'n kung itutuloy yung pagpapaalis sa atin dito. Nagkagulo na naman sa labas kahapon." tumalikod ito at umubo. "Pilit nila tayong pinalilipat. Mabuti nga lang at lumaban ang mga kapit-bahay kaya hindi natuloy ang demolisyon." Huminga siya ng malalim. Isa pa yang demolisyon na 'yan sa lugar nila ang iniisip niya araw-araw. Paano niya kakayaning magrenta ng titirhan nila kunsakaling matuloy ito. Napakalayo kasi ang sinasabi nilang relokasyon at hindi din naman iyon libre. Kailangan nilang bayaran buwan-buwan ang bahay na magiging sa kanila din kung makumpleto nila sa ilang taon ang buwanang renta. "May awa ang Diyos 'Ma." maikli niyang sagot. Sa loob-loob lang niya, pakiramdam niya matagal na silang kinalimutan ng Diyos. Ngunit kahit pa sa gitna ng mga suliraning iyon ay may dahilan na ngayon ang kaniyang pinipigilang ngiti sa labi. Pabalik-balik kasing naglalaro sa isip niya ang lahat nang nangyaring iyon sa kanila ni Drew. Ang mga titig nito, ngiti, yakap, halik at ang mainit nilang... s*x. Kahit saan siya tumigin, kahit pa gusto niyang unahing isipin ang kaniyang pamilya at pag-aaral, laging mukha ni Drew ang nangingibabaw. Kahit late na siya sa klase niya ay sinubukan pa din niyang umikot at dumaan sa kung saan sila unang nagkita ni Drew. Nagbabakasakali siyang doon muli sila magtatagpong muli. Gusto niyang madugtungan pa ang isang gabing iyon kahit pa kumokontra ang kaniyang isip na One Night Stand lang ang lahat. Naniniwala ang puso niyang hindi lang libog ang nangyaring iyon sa kanila. Iba ang higpit ng yakap ni Drew, ang init ng halik at ang pagbibiruan nilang para bang dati na silang magkakilala. Palagay ang loob nila sa isa't isa. Naniniwala siyang magtatagpo silang muli. Umaasang destiny na ang gumagawa ng paraan para sila ang magkatuluyan sa huli. Hindi lang niya alam kung saan, kailan at paano ngunit malakas ang kutob niyang mangyayari din iyon sa kanila. Patutunayan niyang may tunay ding pagmamahal sa mga kagaya niyang alanganin. Mamayang hapon, muli siyang pupuntahan ni Drew sa waiting shed. Titiisin ni Drew ang masikip na traffic, hihinto siya at hihintayin siya sa lansangang iyon hanggang sa matapos ang kaniyang klase. Lumilipad ang kaniyang isip kahit nang nasa klase na siya. Lalong dumadami na ang katanungang naglalaro sa isip niya. Saan kaya nakatira si Drew? Anong trabaho niya? Anong kumpletong pangalan niya? Single ba ito o may karelasyon din katulad ng nauna niya noong nakilala. Sana single pa siya. Bakit kaya siya nito iniwan na di ibinigay ang buong pangalan at cellphone number? Baka gusto lang siya nitong sorpresahin muli. Gusto niya 'yon. Yung lalaking unpredictable. Kinikilig siya sa mga puwedeng mangyaring muli. Katulad ng mga nobelang nababasa niya, kawangis ng mga pelikulang napapanood niya. Siya ang bidang lalaki at si Drew ang... bidang lalaki din? Napangiti siya. Ahh basta silang dalawa ang bida sa parang Serendipity nilang love story. Paborito niyang movie iyon at gusto niya yung mga ganoong "happy accident" o "pleasant surprise" na pagkikita. Basta siya si Jonathan Trager at si Drew ang parang si Sara Thomas. Paniwalang-paniwala siya. Hello! Sa dinadami-dami ng tao sa Pilipinas, sila ang nagkita. Hindi pa ba sapat na dahilan iyon para sabihing destiny ito? Nagtagpo ang kanilang mga mata sa isang busy friday night traffic. Di ba "fate" ang tawag do'n? At sa limitadong oras na iyon, napakaraming nangyari, nagdinner sila, nag-bar pumasok sa kuwarto at nag-s*x. Mga nangyaring kaiinggitan nina Jonathan at Sara sa love story nila dahil sila ni Drew may ganong level na pero ang dalawang nasa pelikula, wala. Kaya lang, di niya maiwasang malungkot at maiinggit pa din sa mga tauhan sa paboritong pelikula. Si Jonathan kasi sa pelikula, may hinahanap na copy ng librong Love in the Time of Cholera kung saan nakasulat ang kumpletong pangalan at phone number ni Sara at si Sara, may hinahanap na 5 dollar bill kung saan nakasulat naman ang buong pangalan at number ni Jonathan. Siya anong hahanapin niya? Nganga. Mabuti pa si Cinderella, may sapatos siyang nawala at iyon ang dahilan ni Prince para hanapin siya samantalang siya semilya na nga lang niya ang nawala sa kaniya, nilunok pa. Paano niya ngayon iyon hahanapin? Naiinggit siya kay Sleeping Beauty kasi natulog lang ito at nagising siya sa halik ng prinsipe niya. Siya kasi, nakatulog kaya paggising niya, wala na si Drew sa tabi niya. Pero naniniwala siya sa totoong pag-ibig. Hihigitan niya ang Romeo and Juliet, pasensiyahan na lang kasi pinili nilang mamatay pero sila ni Drew, hindi mangayari iyon. Mamamatay sa inggit si Rose ng Titanic dahil namatay si Jack niya pero sila ni Drew, happy ending sila. Di niya maiwasang kiligin ng kiligin. Di nawala ang ngiti niya sa labi. Sarap lang ng pakiramdam na punum-puno ng pag-asa at pag-ibig ang kaniyang puso. "Mr. Beltran! Are you with us?" Nagulat siya nang malakas na ibinagsak ng kaniyang professor ang ipinasa niyang research paper. Nagulantang siya. Lahat ng kaklase niya nakatawang nakatingin sa kaniya. Kahit nagulat siya sa ginawang iyon ng professor niya ay di pa din nawawala ang ngiti niya sa labi. Bakit ba? Inlab e! "Sorry Ma'am, can you please repeat your question?" "Question? What question?" nagsalubong ang kilay ng professor niya. Tawanan ang buong klase. "Impress daw si Ma'am sa research paper mo. Tinatawag ka sa harap para ibida ka sa klase pero di ka tumatayo. Napilitan siyang lumapit sa'yo dahil wala ang isip mo dito sa klase. Nakangiti kang parang tanga at mga mga mata mo, tagos sa pader. Okey ka lang?" bulong ni Marlon. Tumingin siya sa professor niya na noon ay di mapigilang mapangiti sa inaasta niya. "Thanks for the compliment ma'am." nahihiya niyang pambawi. "Mukhang inlab ka Mr. Beltran." "Inlab agad, ma'am? Inspired lang muna, pwede?" Tawanan ang buong klase. Pakiramdam niya napakatagal matapos ang kaniyang klase. Nakailang hugot na siya sa kaniyang cellphone sa bulsa para tignan lang ang oras at para din i-check kung nagtext o tumawag si Drew. Nagtext? Di nga niya kinuha ang number niya pero siyempre malay lang niya nagawan ni Drew ng paraan para makuha ito ng di hinihingi sa kaniya. He loves surprises. Nang tumunog ang bell at hudyat na tapos na ang kanilang klase ay mabilis niyang inilagay sa balikat niya ang kaniyang backpack. "Nagmamadali?" pahabol na wika ni Marlon. "Hindi naman. May mga gagawin lang kasi ako." "Uyy tol, Monday ha, after our class, report ka daw sa office ni Mommy, then start ka na din agad. Huwag mong kalimutan ha?" pahabol na sinabi ni Marlon. "Noted! Salamat tol!" wika niya pagkalingon niya sa nahuli sa paglalakad na si Marlon. Nag-thumbs-up na lang si Marlon. Kaya naman siya nagmamadali ay dahil gusto niyang tumambay sa kung saan sila nagkita ni Drew. Baka nandoon na kasi siya at naghihintay. Maaring doon din ang dinadaanan nito galing sa trabaho o kaya graduate school student din siya sa University na pinapasukan niya. Buo ang tiwala niya, magkikitang muli sila. Pagsasadyain muli sila ng tadhana. Hindi siya napagod sa katatayo sa kung saan siya noon tumayo nang napansin niya si Drew sa isang kotse. Tinalasan niya ang kaniyang paningin. Gusto siyang maging alerto sa lahat ng mga kotseng dumadaan. Ang pagdaan ng sandali ay naging minuto hanggang sa isang oras. Di pa din siya sumusuko kahit naiisip na niya na kailangan niyang bumili ng gamot at grocery nila sa kanilang bahay. "Kalahating oras pa, kung wala siya uuwi na talaga ako." bulong niya sa kaniyang sarili. Ang kalahating oras ay tumagal ng isa't kalahating oras. Mukhang wala siyang napala sa kahihintay kundi ang maitim na usok nang mga dumadaang sasakyan. Ano kaya kung magtransfer na lang siya sa ibang school? Bagay siya sa Assumption University. Makapag-assume na kasi siya, wagas. Nakangiti pa din siya kahit bigo. Bakit ba? Inlab e! Nakipagsiksikan siya sa mga pasaherong sumasakay sa jeep. Nangangarap pa din siyang darating si Drew para harangan siya at piliting ihatid siya. Isang pangarap na nauwi lang sa wala. Nakabili na siya sa lahat ng mga kailangan nila sa bahay pati ang gamot ng Mama niya nang may bigla siyang naalala. Napangiti muli siya. Bakit nga ba hindi? Lumapit siya sa nagtitindi ng pirated DVD at CD sa bangketa. Sinabi niya ang hinahanap niya at hindi naman siya nabigo. Alam niyang malaki ang maitutulong ng binili niyang iyon para isaliw sa kaniyang pangarap o kaya balikan ang masasaya nilang mga sandali ni Drew. Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit palaging si Drew na lang ang naglalaro sa isip niya? Bakit ba napakagaan ng pakiramdam niya kung mukha ni Drew ang pumapalit sa mga aalahanin niya sa buhay? Malapit na siya sa kanila at inaayos na niya ang kaniyang mga pinamili para wala siyang maiiwasn sa jeep. Iniisip din kaya siya ni Drew ngayon? Gumagawa din kaya ito ng paraan para muling silang magtagpo? Ano kaya ang mga paraang ginagawa nito? Biglang bumilog ang kaniyang mga mata. "Pakshit! Baka sa f******k! Baka ini-add ako sa f******k" Na-excite siya kaagad nang naisip niya iyon. "Maaring hinanap ni Drew ang pangalan ko at doon na ito nagmessage." Pumara siya sa tapat ng isang computer shop. Maglalakad na lang siya mamaya pauwi sa bahay nila. Dala ang mga pinamili. Kahit nabibigatan siya, hindi iyon dahilan para di siya makapagcheck ng f******k niya. Mabilis siyang pumasok at namataan siya kaagad ng nagbabantay nang lumalandi sa kaniyang bakla ngunit di niya iyon pinansin. Naghanap siya agad ng magagamit na computer. "Pakshit! Wrong timing naman! Walang bakante." "Hi Papa Markie! Mag-iinternet ka?" "Hindi! Magpapakulot lang ako dito sa internet shop mo!" Pabiro sabay pa-kyut niyang sagot. Hinawakan ng bakla ang kaniyang balikat sabay hipo sa kaniyang dibdib. "Sayang naman, wala palang bakante." malungkot niyang sinabi sabay kindat sa bading. "Hindi a, anong walang bakante. Meron!" "Asan?" ngumiti siya. Nilabas niya ang kaniyang dimples. "Dito ka. Tapos ka na hindi ba? Paalis ka na di ba, Asyong!" hinila niya ang kuwelyo ng kapit-bahay nilang di pinalad magkaroon ng kaguwapuhan.Luwang-luwa pa ang mga mata nitong naglalaro ng Dota. "Kauupo ko pa nga lang eh, tapos na ako agad!" "Tapos ka na nga! Di na kita sisingilin sa isang oras na inupo mo diyan basta tapos ka na!" pamimilit ng bakla. Tinulak pa niya si Asyong para tumayo. "Saklap naman talaga oh! Kapag guwapo kahit wala ng bakante, agad uupo, kapag pangit, kahit tatlong oras kang naghintay para lang makaupo, ta's kauupo pa nga lang tapos na agad!" singhal ni Asyong. "10 minutes lang Asyong. Huwag ka nang umalis. Promise, sandali lang 'to." pakiusap niya. "10 minutes! Narinig mo Beki, 10 minutes lang!" Mabilis siyang umupo. Binuksan agad ang f******k. Nakita niyang may mga notifications na pula sa mga nagpapa-add at ganoon din sa message. Kinabahan siya at kinikilig. Umaasang isa na si Drew sa mga nagpapa-add o kaya nagmessage. "Pakshit, ito na 'to !" bulong niya sa sarili. Iniisa-isa niya ang 107 pending friend requests niya ngunit walang Drew. Sa inbox niya, puro mga messages ng mga di niya kilala at nangungulit na i-accept ang kanilang mga friend request. Napailing siya. Sinubukan niyang i-search ang "Drew". Ano ba 'yan! Napakaraming Drew. Isa pa, sinong Drew ba ang hinahanap niya? Di alam ang apilyido. Paano kung di pala Drew ang tunay na pangalan no'n. Huminga siya ng malalim. Ang hirap naman neto! Kinagabihan nang matutulog na sila ay kinuha niya at inilagay niya sa tabi niya ang kanilang Radio CD Player. Magagamit na niya ang binili niya kaninang CD. Katabi niya ang tatlong mga kapatid. Pumikit siya nang magsimula na ang kantang Closer You and I ni Gino Padilla. "Wow! Old love song kuya ha? Inlab na." biro sa kaniya ni Marian. "Huwag ka ngang maingay." inirapan niya ang kapatid. Hey, there's a look in your eyes Must be love at first sight You were just part of a dream Nothing more so it seemed Pumikit siya. Daman-dama na niya ang kanta. Nakikita na niya si Drew sa pangarap niya. Nakangiti na niyang sinasabayan ang kanta. Iba talaga yung pakiramdam. Yung mga alaalang nangyari kagabi at ang mga alam niyang mangyayari pa sa hinaharap kapag muli silang magtagpo ni Drew. Kilig lang! But my love couldn't wait much longer Just can't forget the picture of your smile 'Coz everytime I close my eyes You come alive Nakapikit lang siya. Gusto niya kasi nakapikit lang siya siya dahil buum-buong si Drew ang kaniyang parang nakikita. Totoong si Drew. Si Drew na binubuhay ng kaniyang imahinasyon. Hindi siya magsasawang pakinggan iyon. Gusto niyang iyon ang kaniyang maririnig hanggang sa makatulog siya. Nakailang paulit-ulit na niya iyong na-play ngunit di siya napapagod, hindi nagsasawa. Inlab e! "Kuya, 'yan lang ba ang laman ng CD na nabili mo? Nakakasawa e, paulit-ulit." reklamo ni Marian. "E, di huwag mong pakinggan." "Kuya, nasa gitna natin ang CD Player, paanong di ko maririnig. Nakakarindi at nakakasuya kasi dahil paulit-ulit lang 'yan." "Arte naman ne'to. Makapag-earphone na nga lang!" sagot niya. Tumayo siya at kinuha ang earphone. "Inlab ka lang eh! Sino ba yang babaeng 'yan." pangungulit ni Marian. "Bakit ba? Gusto ko lang ang lyrics ng kanta." "Sus, di ka naman dati ganyan eh!" "Anong hindi ka diyan." "Sus kuya! Huwag ka nga! Dati nga iritang-irita ka kapag kinikilig ako kina Waki at Chichay sa Got to Believe tapos ikaw itong kanina pa parang sira ulong nakangiti kahit wala namang nginingitian sa amin habang kumakain tayo at nanonood. Hawak mo lagi ang cellphone mo e wala ka namang katext. Tapos 'yan, di ka nagsasawa diyan sa lumang kantang 'yan at may nalalaman ka pang papikit-pikit habang nakangiti. Paki-explain nga 'yan kuya!" "Dami mong pinapansin! Matulog ka na nga!" singhal niya. Kunyari galit ngunit nang inilagay niya ang unan sa kaniyang mukha ay kinikilig siya. "Drew, my love! Nasaan ka na ba?" bulong niya sa sarili. Dumaan ang Linggong si Drew pa din ang nasa isip. Wala siyang pakialam sa sinasabi ni Marian sa kaniya. Nakahalata nga pati ang buong iskwater area sa kakaibang aliwalas ng kaniyang mukha. Masaya siya ngayon, mamaya nagbabago ang mood at natatahimik. Nalulungkot, napapaisip. Namimiss na niya si Drew. Lunes pagkatapos ng klase niya ay nagbakasakali pa din siyang maghintay sa waiting shed na 'yun. Kung wala lang siyang lakad gusto niya sana manatili pa doon hanggang gabi kaso kailangan na niyang puntahan ang office ng Mommy ni Marlon. Kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya niya. Naniniwala siyang "fate" pa din ang gagawa ng paraan para muli silang magtagpo ni Drew. Bakit ba kasi siya maiinip? Sina Jonathan at Sara sa Serendipity, ilang taon ang binilang nila bago sila muling nagkita, umaasa siyang ganoon din sila ni Drew. Baka nga araw o kaya buwan lang, muli na naman silang pagtatagpuin ng kapalaran. Pagkatapos siyang makausap ng Mommy ni Marlon tungkol sa oras ng pasok niya, sahod at mga responsibilities niya bilang Office boy at Janitor ay agad na siyang binigyan ng uniform para makapagsimula na din agad. Magtatanong na lang daw siya sa karelyebo niya sa iba pa niyang dapat gawin sa trabaho. Ilang metro lang naman ang layo ng office ng Saavedra Real Estate Investment Company kaya naglakad na lang siya. Naabutan pa niya doon ang noon ay paalis na ding papalitan niya. "Rex pala tol!" "Markie tol." nag-aalangan siya kung kakamayan niya si Rex dahil di naman nito inilahad ang kamay. Minabuti niyang huwag na lang. "Mabuti dumating ka na. Bukas agahan mo ang pasok para ma-orient kita. Papasok na din kasi ako. Male-late na ako sa klase ko. Hinintay lang talaga kita." "Anong gagawin ko? Puwede bang kahit yung araw-araw mong ginagawa na muna ang sasabihin mo bago ka umalis?" ninenerbiyos niyang tanong. "Relax. Mababait naman ang mga empleyado dito. Ingat ka lang kay Sir Andrew, medyo mahigpit at kinatatakutan 'yan dito. Magkamali ka na ng trabaho mo sa iba huwag lang sa kaniya." "Sir Andrew? Sino si Sir Andrew dito?" "Chief Operation Officer. Anak ng may-ari ng kompanyang ito. Gusto lahat nila dito malinis ang kanilang table pagpasok nila kinabukasan. Yung table ni Mr. Andrew dapat walang kahit anong nadis-arrange sa mga gamit niya at walang duming maiwan. Kailangan mabilis ang kilos mo ngunit walang mali. Bukas lahat ng dapat mong malaman sa trabaho, ituturo ko. Sa ngayon may meeting sila. Hinihintay na nila ang miryenda nila. May regular office boy sila dito at siya yung parang boss natin. Si Kuya Stan. Siya ang mag-uutos sa mga dapat mong gawin. Sige na, hinihintay ka na no'n sa pantry. Puntahan mo na kasi kanina pa ako tinatanong kung dumating ka na." dire-diretsong bilin ni Rex sa kaniya. Pagpasok niya sa Pantry ay sinalubong agad siya ng tingin ng may edad nang naka-uniform ng kagaya sa kaniya. "Naku, unang araw mo pa lang late ka na agad. Huwag mong sanayin ang pasok na late ha. Ako ang Kuya Stan mo." "Markie ho!" "Sige na, tulungan mo akong ipasok itong mga miryenda sa Meeting Room. Mahirap nang mapagalitan pa ako dahil sa late kang dumating. Dapat kanina pa dinala ang mga miryendang ito e!" Ngumiti lang siya. Unang araw kaya simulan na niyang habaan ang pasensiya. Unang pumasok si Stan sa meeting room at sumunod siya dala ang mga sandwich sa isang tray. Naninibaguhan siya sa trabaho ngunit hindi siya kinakabahan. Pagpasok nila, kasalukuyang nagsasalita at nakatalikod ang isang lalaki. Naisip niyang iyon na siguro ang boss nila. Si Sir Andrew Saavedra na kinatatakutan ng lahat. Biglang lumingon ang nagsasalitang lalaki sa mga empleyado. Nakaharap na kay Markie si... Natigilan siya. Halos mabitiwan niya ang hawak niyang tray na naglalaman ng sandwich nang makita niya ang noon ay nakatayong si Drew sa harap ng iba pang staffs. Nangatog ang kaniyang tuhod. Nanuyo ang kaniyang lalamunan at umuuga ang mga sandwiches na maayos na nakasalansan sa tray. Hindi niya mapigilan ang sariling hindi nerbiyosin. Ibig sabihin, ang lalaking nang-iwan sa kaniya sa isang hotel, ang lalaking hinahanap niya at pinagpapantasyahan ng ilang gabi, ang lalaking nag-iwana ng 7,800 pesos sa isang gabi na para bang isa lang siyang bayaran ay ang kaniyang magiging boss. Si Drew na gumugulo sa isip niya, si Drew na pakiramdam niya bahagi na ng kaniyang sistema at ang lalaking unang nagpatibok ng kaniyang puso ay si Mr. Andrew Saavedra na Chief Operation Officer ng kompanyang pagsisilbihan niya. Napakaguwapo ni Drew nang sandaling iyon. Kagalang-galang sa harap ng mga nakaupong employees niya. Lahat ng mga mata sa kaniya nakatutok na para bang walang puwedeng palampasin sa lahat na lumalabas sa kaniyang bibig. Isang Bachelor na kakikiligan ng kahit sino idagdag pa ang yaman nito at talino ngunit kinatatakutan ng mga pumapalpak sa trabaho. " We have to make sure that the project is going fine, using the least possible resources, without compromising on the quality for our clients'..." natigilan si Drew sa nadaanan ng kaniyang mga mata sa nagdala ng kanilang miryenda. Namamalikmata ba siya? Siya nga ba talaga ang nakita niyang iyon? Muli niyang ibinalik ang mga mata. Siya nga! Si Markie! Napalunok siya. Hindi na niya alam ang susunod niyang sasabihin. "Sir? Are you okey?" tanong ng kaniyang secretary na gumagawa sa kanilang Minutes of Meeting . Hindi niya maialis ang tingin niya kay Markie na noon ay namumula at halatang tensiyonadong-tensiyonado. Ayaw niyang magpahalata ngunit dahil napako ang tingin niya kay Markie ng ilang ding sandali , iyong ang naging dahilan ng pagkatigil niya sa kaniyang mga pahayag. Lahat tuloy ng kaniyang staffs ay nakatingin na din sa guwapong-guwapo at nanginginig nilang bagong janitor at office boy. Huminga siya ng malalim. "Ehem." sinadya niyang ipahatalang may mga mahalaga siyang sinasabi para bumalik lang sa kaniya ang atensiyon ng kaniyang mga kaharap. " As what I'm saying..." Damn! Nawala na talaga siya. Bumalik sa kaniya ang tingin ng kaniyang mga employees ngunit siya ang di pa nakababalik sa sarili. Saan na ba siya huminto? Bakit kailangang huminto ang pag-inog ng kaniyang mundo at mawala siya sa kaniyang sinasabi sa isang hamak na janitor lang ng kompanya nila? What the heck is happening? "Focus Andrew! Focus!" bulong niya sa sarili. "Huwag kang paapekto Markie! Gawin mo lang ang trabaho mo. Huwag kang kabahan." iyon ang isinaisip ni Markie habang isa-isa niyang inilapag ang sandwich sa harap ng mga empleyadong nakaupo. Umupo na din si Drew. " As what I am saying while ago, we will make sure to use the least possible resources, without compromising on the quality for our clients' satisfaction. We have to be familiar with management theories such as business process reengineering and total quality management." diretso niya iyong nasabi ngunit panakaw niyang nililingon ang noon ay abalang si Markie. Nagkakahulian sila ng tingin bagay na hindi gustong mangyari ni Drew. Habang palapit nang palapit si Markie kay Drew ay lalong tumitindi ang nerbiyos niyang nararamdaman. Umuuga na ang tray. Nanginginig siya. Pakiramdam niya hihimatayin siya lalo pa't nagkakasalubong madalas ang tingin nila ni Drew habang nagpapatuloy ito sa kaniyang mga sinasabi. Hanggang sa nasa tabi na niya si Drew. Siya na ang susunod niyang bibigyan ng sandwich. Amoy na niya ang pabango nito, bumabalik ang lahat ng nangyari nang gabing iyon. Sa nerbiyos niya ay hindi siya naging maingat sa paglapag niya ng sandwich sa harap ng COO. Sumabit ang baso na puno ng juice sa nanginginig niyang kamay. Tumapon iyon hanggang sa mismong pantalon ni Drew. "Ayyyy!" sigaw ng secretary. "What the heck!" singhal ng nagulat na si Drew. Salubong ang kilay niyang nakatingin sa baguhang si Markie. Nanlaki ang mga mata ni Markie. Hindi siya kaagad nakakilos. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin lalo pa't lahat ng empleyado ay nakatingin sa kaniya. Para bang sila ang natatakot sa maaring gawin sa kaniya ni Sir Andrew. Kinakabahan ang lahat para sa baguhan ngunit guwapong-guwapong bagong Janitor at office boy nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD