Napangiti siya sa matanda, bago umupo. “Are you mad at me, Nieta?” Dahil sa tanong na iyon ng matanda ay bahagyang nalukot ang mukha ng dalaga. “Hindi naman po, ‘Lo, pero akala ko po ba ay hihintayin ko ang pag-uwi ni Daddy para ako ang maging secretary niya? Pero, kay Ian lang pala ako babagsak.” Para siyang batang nagmamaktol. Ganito siya sa lolo at ama niya. “May mali ba sa ginawa ko, Nieta?” “Para n’yo na po kasi akong isinugba sa apoy, eh.” Bumuntonghininga siya bago yumakap sa matanda. “Why did you choose me to be his secretary and stole his secretary instead?” “Are you still in love with him?” Imbes na makakuha ng sagot ay iyon ang namutawi sa labi ng lolo niya. Napatingala siya rito, pero agad ring nagbawi ng tingin. Of course, she does. Pero hindi niya aaminin iyon, dahi

