Dalawang araw na wala sa sarili si Laura. Hindi siya umalis ng bahay para hanapin si Aaron. Bakit pa? Balewala na iyon dahil malamang na nasa Maynila na ang lalaki. At ano iyong babaeng sinasabi ni Juliana na tinawag na Sweetheart si Aaron? Ha! “Girlfriend niya ba iyon? At nakakotse pa?” Nagmamaktol siya habang umiiyak. She’s heart broken kaya ang nasa harapan niya ay ang gin na binili niya sa tindahan. Dalawang araw na siyang lasing, kahit ang totoo ay tatlong shots lang ang kaya niyang laklakin dahil madali lang siyang malasing. “I hate you, Aaron! Nasaktan mo na ako! Sobrang sakit ng ginawa mo! Bakit ka ba ganito?! Akala ko pa naman ay matino ka, pero nagkamali ako dahil niloko mo ako!” Itinapon niya ang bote ng alak sa pader bago humiga at tuluyang nakatulog. Sunod-sunod na k

