Mabilis na lumipas ang araw, pero para kay Laura ay naging mabagal ang pag-ikot ng mundo lalo nang umalis ang pinsan niyang lalaki at ang best friend niya. She was left alone, sad, and there’s nowhere for her to go. But she continues her life. Nakakuha siya ng full scholarship sa NSU at may monthly allowance siya kapag mag-start na ang klase sa college. And that’s enough for her. “Laura!!!” Umalingawngaw ang boses ni Juliana habang naghuhugas siya ng pinggan. “Bakit?” Nilakasan niya ang boses niya para marinig siya nito. “Ikuha mo ako ng tubig, bilis!” “Ikaw na lang, please? Naghuhugas pa ako ng pingg—” “Wala akong pakialam! Basta sundin mo ang utos ko! Huwag kang tamad!” Napabuntonghininga siya nang malalim. Siya pa talaga itong tamad gayong kanina pa siya kilos nang kilos sa m

