Chapter 17

791 Words
Catherine's POV Simula ng may mangyaring gulo sa pagitan namin ni Ante Evelyn at Hazel sa party umiiwas na ako sa kanila.Ayaw kong darating ang araw na mapuno ako at makapagsalita ng hindi maganda laban sa kanila.Kahit papano nirerespeto ko parin sila bilang kamag-anak ni Mama. Buti nalang napakiusapan ko si Maxene na wag ng sabihin kay Thorn at sa pinsan nito kung ano ang nangyari kung bakit hindi ako nakabalik sa party.Ginawan niya rin ng paraan na hindi mapansin ang mga galos at pasa ko,tinakpan niya ito ng concealer. Buti pa siya kahit sobrang yaman ng pamilya niya never niya akong hinusgahan at ininsulto.Simula ng magkakilala kami sa hotel naging close na rin siya sa amin ni Marie,minsan pa nga tinutukso niya ang kaibigan ko sa pinsan niya. Tuluyan na ring gumaling si Mama sa sakit niya,nagpaplano na rin kami na lumipat ng tirahan.Umiiwas na rin kasi si Mama sa kanila ni Ante dahil puro nalang pang iinsulto ang ginagawa nila,pupunta lang sila sa bahay para pagsalitaan kami ng hindi maganda. Medyo nakaluwag luwag na rin kami ni Mama.Nagtayo siya ng maliit na sari-sari sa harapan namin,ayaw niya daw kasing maging pabigat siya sa akin.Hindi ko naman iniisip na pabigat siya sa akin ayaw ko nga sanang magtrabaho pa siya dahil baka bumalik na naman ang sakit niya. Nandito kami ngayon sa grocery para bumili ng mga paninda niya.Tulak-tulak ko ang cart habang nakatingin sa mga istante ng chichirya ng may mabangga ako. "Sor..hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang nabangga ko. Si Thorn ito may kasamang babae na naka angkla pa ang kamay nito sa braso ni Thorn. "Are you okay babe?tanong nito kay Thorn. "Sorry Thorn hindi kita napansin."hinging pasensya ko. "Magkakilala ba kayo?tanong ulit ng babae. Magsasalita pa sana ako ng inunahan ako ni Thorn at sinabi niyang hindi kami magkakilala.Nagulat naman ako na medyo nasaktan sa sinabi niya.Ilang linggo lang naman kami hindi nagkita pagkatapos ng naganap na party.May amnesia ba ang kapre na to. Nilagpasan na nila ako kaya hinayaan ko nalang din sila.Hindi pala magkakilala ha pwes paninindigan ko ang sinasabi niyang hindi kami magkakilala.Nang matapos kami sa pamimili pumunta na kami sa cashier para magbayad. "Ma wala kana bang nakalimutan?nabili mo na ba lahat ng kailangan mo sa tindahan mo? "Oo anak kumpleto na yan ang lahat na nasa listahan ko nabili na natin."sagot ni Mama. Nang mabayaran na namin ang lahat ng mga pinamili namin kanya-kanyang bitbit na kamI ni Mama at lumabas ng grocery. "Anak diba si Thorn yan?nguso ni Mama sa taong makakasalubong namin. "Naku Ma wag mo nalang po pansinin."sagot ko kay Mama. Deritso lang ang tingin ko sa harap hindi ko pinansin na makakasalubong namin sila hanggang sa nalagpasan na nga namin sila. Paglabas namin ng mall nag-abang lang kami ng taxi,hindi naman kami nahirapan dahil madami namang dumadaan.Tinulungan kami ni Kuya na maikarga ang mga pinamili namin at sumakay na rin kami ni Mama. Di naman nagtagal ay nakarating na kami sa harap ng bahay nagbayad lang ako at tinulungan ko si Mama na maipasok sa bahay ang mga grocery.Kinuha ko lang ang binili kong karne para makapagluto na ako ng ulam namin habang si Mama naman ay inaayos ang mga paninda niya. Habang nilalaga ko ang karne tumunog ang cellphone ko.Nakita kong may message si Thorn tinatanong nito kung pwede daw ba kaming magkita mamaya.Akala ko ba sabi niya kanina hindi kami magkakilala bakit ngayon mukhang kilala na niya ako. Hindi na ako nagreply sa kanya bahala siya sa buhay niya.Pinagpatuloy ko nalang ang pagluluto ko.Tumunog na naman ang cellphone ko at tumatawag na nga ang kapre,hindi ko naman ito sinagot.Kahit mapudpod pa ang mga daliri niya kakadial wala akong pakialam sa kanya hindi ko parin sasagutin ang tawag niya. Nang matapos akong makapagluto nagsalin ako ng ulam at kanin sa mangkok para dalhin sa tindahan ni Mama para doon nalang kami kakain. "Ma kain na po tayo."kinuha naman ni Mama ang mangkok na hawak ko.Bumalik ako sa loob para kumuha ng plato at tubig. Kahit kumakain kami may mga bumibili parin kaya patayo-tayo si Mama para magbenta.Tinapos ko naman ang pagkain ko para ako na ang magbenta sa mga bumibili para makakain si Mama ng maayos. Pasalamat talaga kami dahil kahit papano ay maganda ang takbo ng tindahan ni Mama,kami lang kasi ang may tindahan dito na malapit kaya halos mga kapitbahay sa amin bumibili.Plano ko nga na paunti-unti rin kaming magbenta ng bigas. Ang swerte parin namin ni Mama kahit anong pagsubok na dumarating sa amin mabigat man o magaan nakakaraos kami.Okay na sa amin ang makakain lang kami ng tatlong beses sa isang araw.Ang makaraos lang kami sapat na sa amin yun ang importante masaya kaming magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD