Chapter 4

288 Words
Catherine's POV Kinabukasan inixray na si Mama,naisip kong hingan ng tulong ang kaibigang kong si Marie.Kakapalan ko na ang mukha ko para lang may maibayad kami dito sa ospital. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya.wala na talaga akong naisip na pwedeng malapitan,hindi naman ako pwedeng lumapit kay Ante dahil sigurado ako insulto lang ang aabutin ko sa kanya. Nang matapos kung makausap ang kaibigan ko sinabi niyang puuntahan niya ako dito,medyo matagal pa naman matapos si Mama kaya lumabas muna ako ng ospital para abangan ang kaibigan ko. Ilang minuto ang lumipas ay namataan ko na ang kotse niya,nag park lang siya bumaba.niyakap naman niya ako. "Bakit hindi mo sinabi sa akin agad na nandito pala si Tita sa ospital?",tanong niya. "Kagabi ko lang din dinala si Mama dito,,pasensya kana girl ha!ikaw lang talaga ang malalapitan ko",malungkot na sabi ko. "Di ba sinabi ko naman sayo handa naman akong tumulong pag may problema ka pinansyal man yan o hindi",sagot niya. Nagpasya na kaming pumasok sa loob baka natapos na si Mama sa xray niya at hanapin ako,,malayo palang kami nakita ko na si Mama na nakaupo sa upuan habang tinititigan ang papel na hawak niya. "Ma tawag ko sa kanya",nag -angat naman siya ng tingin."Sinundo ko lang po sa labas si Marie,"ngumiti naman siya sa kaibigan ko. Kinausap ko ang Doctor at ang sabi niya nagkaroon daw ng komplikasyon ang baga ni Mama,pero hindi pa naman daw malala at madadaan pa ito sa gamutan.Binigyan niya naman ako ng resita para sa mga gamot na dapat kung bilhin. Pagkatapos kung ayusin ang bayarin namin lumabas na kami ng ospital,nag insist si Marie na ihahatid niya kami sa bahay.Sana darating ang araw na makabawi ako sa kabutihan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD