Kabanata 67 Sabrina’s POV Lumipas pa nga ang ilang araw at hindi naman na kami muling nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ni Tonyo. Sa ngayon ay mas alam na namin kung paano pakikisamahan ang isa’t isa. Natutuwa rin ako na tuluyan na ngang nakalimutan ni Tonyo ang gabing ‘yon at hindi na niya sinisisi ang kanyang sarili. At tulad nga rin nga rin g sinabi niya ay mas napadalas nga ang aming pagkikita. Kung minsan pa nga ay sabay kaming naglalakad ng madaling araw patungo sa aming pinagtatrabahuhan at ganoon din sa hapon dahil dinadaanan niya ako sa palengke. Na kung minsan pa nga ay matiyaga niya akong hinihintay para lang maisabay sa kanyang pag-uwi. Tulad na lamang ngayong araw. Sa sobrang tumal ng benta ngayon ay may isang oras na yatang naghihintay sa akin si Tonyo ngunit hindi ko man

