(Kate/ Shannon)
"Gusto mo ba 'yan, ija?"
Napalingon ako sa nagtatanong na 'yon. Napayuko ako kasi si Don Francisco ang nakita ko.
"Magandang hapon po, Don Francisco!" Magalang kong bati sa kanya.
Napatango lang ang Don.
Nasa Castellejos mansyon kasi ako ngayon, inihatid ko dito ang meryendang suman, na ipinaluluto ng Don sa nanay ko, para daw sa mga bisita nya na galing pa sa Manila.
Napahinto kasi ako nang nakita ko ang isang hair clip na nasa ibabaw ng estante. At nagustuhan ko talaga ito.
"Sa iyo na 'yan, ija!" Aniya.
"H- Ho!"agaran kong sambit.
"Si Nicollo ang bumili 'yan. Mukhang, hindi nagustuhan ng pagbibigyan nya sana kaya ibigay ko nalang daw kahit kanino." Aniya, seryoso ang mukha pero maaliwalas naman. Kinuha nya ang hair clip, saka iniabot nya ito sa akin. "Ibibigay ko ito sayo. Mukhang bagay ito sa buhok mo."
Nahihiya man pero tinanggap ko ang ibinigay nya.
Si Nicollo pala ang bumili nito. Iingatan ko ito.
"S- Salamat po Don Francisco."
"Walang anuman. Ano nga ang pangalan mo ija? Diba, ikaw 'yong anak ni Silya? 'Yong masarap magluto ng suman?"
"O-Opo. Kate po ang pangalan ko."
"Napakagandang pangalan, bagay na bagay sayo." Patango- tango nyang sabi. "Oo nga pala, ito na ang bayad sa ipinaluto ko sa nanay mo."
Iniabot nya sa aking ang isang libo. Nag- alangan ako kasi wala akong dalang panukli.
"A-ano po Don Francisco, wala po akong panukli dito." Bulaslas ko. Napangiti ang Don.
"Ibigay mo 'yan sa nanay mo lahat, ija. Bayad narin sa pagod nya sa pagluluto at sa paghatid mo dito."
Nahiya man uli, pero tinanggap ko parin. Malaking tulong narin ito sa amin ni nanay.
"Salamat po." Inilagay ko ang pera sa bulsa ng suot kong lumang pantalon.
Agad naman nagpaalam ang Don. Pumanhik narin ako pauwi.
Kasalukuyan kong tinahak ang daan palabas sa gate nang may narinig akong kaluskos sa likuran ng malabong na mga halaman. Dala ng kuryusidad ko, napasilip ako kung ano iyon.
Sobrang panlalaki ng aking mga mata sa nakita ko, at parang nanginig pa ako. Ito ang unang beses na makakita ako ng ganito. At na- polluted bigla ang kainosentihan ko.
Pero, hindi naman ang ginagawa ng dalawang tao ang nagpataranta sa akin kundi ang katotohanan na kilalang- kilala ko ang babae. Si senyorita Celine na nakipaghalikan sa isang lalaki, habang ang kamay ng lalaki ay nasa loob ng palda ni Celine, parang may ginagawa doon, kasi mahinang napaungol ang dalawa. Hindi ko masyadong nakita ang mukha ng lalaki, pero alam kong hindi sya Nicollo. At alam kong isa sa mga kabarkada ni senyorito ang kahalikan ni Celine.
Wala sa isip na napaatras ako, at para akong naglalakad sa kawalan, hanggang sa hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa gilid ng malaking swimming pool. Dahil dis- oriented parin ako, kaya nabitawan ko ang hair clip na hawak- hawak ko.
Halos mapaluha ako ng nasundan ng tingin ang hair clip na nagpalutang- lutang sa tubig. Sayang, ang senyorito Nicollo pa naman ang bumili nung. Gusto ko sana itong kunin mula sa tubig pero hindi ako marunong lumangoy.
At kahit pa marunong akong lumangoy, nakakahiya parin ang lumusob sa tubig, baka mapagkamalan pa akong nakikiligo sa swimming pool ng mga Castellejos.
Sobrang panghihinayang ang nadarama ko. Hanggang sa......
Napasinghap ako ng may unahon bigla mula sa swimming pool, at nanlaki ang aking mga mata na si senyorito Nicollo ang aking nakita.
Napatakip ako sa aking mga mata nang napatanto ang kahubaran nya. Tanging kapirasong damit lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng kanyang machong katawan.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nya.
"Hey young lady, want this?"
Ang ganda pala ng boses nya na ngayon ko lang narinig sa malapitan.
Napilitan akong tanggalin ang aking mga kamay na nakatakip sa aking mukha. At tumingin ako sa kanya gamit ang gilid na paningin ko. Nakita ko na hawak- hawak nya ang hair clip.
"Ah, o-oo. H-hindi ko namalayan na na- naihulog ko sa tubig. B- bigay 'yan sa aking ni Don Francisco." Utal- utal na pagkakasabi ko sa kanya.
"Ganun ba?" Nakita ko na umalis sya sa tubig, at humakbang sya palapit sa akin.
Halos hindi ako makahinga sa kabang nadarama ko, lalo pa at tuluyang na syang nakalapit sa akin.
"Gusto mong ibalik ko ito sayo?"
"S- Sana."
"Ok. In one condition. Tell me your name."pautos nyang sabi.
Napalunok ako. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko.
"K-Kate....." Napayuko ako dahil hindi ko talaga kayang tignan ang buong kahubaran nya.
"Oh, Kate..." Aniya sa malamyos na tinig. "Maganda. Bagay sayo."
"Sala-----"
Natigil sa ere ang iba ko pang sasabihin nang biglang ikini- clip nya sa aking buhok ang hair clip na hawak nya.
Napaangat ako ng mukha sa kanya. Nakatitig pala sya sa akin. Nagkatama ang mga paningin namin. Hindi pa sya nakuntento, hinaplos pa nya pababa ang mahaba at makinis kong buhok. Mukhang nalunok ko yata pati laway ko sa ginawa nya.
"Nicollo!"
Napabitaw sa buhok ko si senyorito Nicollo. At napalingon kami sa girlfriend nya. Kunot- noo itong nakatingin sa amin ni Nicollo.
Namutla akong nakatingin kay Celine. Naalala ko kasi ang nakita ko kanina.
"Hindi mo kailangan mamutla bata, hindi ako nagseselos sayo." Masungit na pagkakasabi ni Celine sa akin.
Napatawa si Nicollo sa sinabi ni Celine. Lumapit si Nicollo sa kasintahan nya, at iniyakap nya ang braso sa baywang ni Celine.
"Ang ganda talaga ng mahal ko pag nagseselos." Malambing na buska ni Nicollo sa kanyang kasintahan.
Napayuko ako saka ako nagpaalam at nagpasalamat narin kay Nicollo. Tumango lang ang huli.
Mula sa kalayuan, narinig ko pa ang sinabi ni Nicollo.
"Hindi ako pumapatol sa bata, honey. And beside, alam mo naman na mula nang nakita kita, ikaw na ang gusto ko."
Napaluha ako. Hindi para sa sarili ko kundi para kay Nicollo. Mahal na mahal pala talaga nya si Celine. Tiyak masasaktan sya ng sobra pag malaman nya ang kataksilan ni Celine.
Iyong ang una at huling nakadaupan palad ko ang unang lalaki na itinatangi ko. Hindi na kasi sya bumalik uli sa hasyenda.
Nalaman ko nalang na nadisgrasya pala sya. Wala na din akong naging ibang balita pa sa kanya, kasi dumating din ang pinakamasakit na dagok sa aking buhay.
Namatay ang mama ko. Matagal na pala syang may iniinda sakit na inilihim lang nya sa akin.
Dahil sa wala na akong guardian, kinuha ako ng DSWD. Kalaunan, dinala ako sa isang ampunan. Agad din naman may mag- asawang umampon sa akin.