(Shannon) Kinabukasan, hindi paman kami nakapag- almusal ng mga bata ay dumating na si Nicollo. May dala na sya na para sana sa agahan namin kaya lang nagluto parin ako. Sanay kasi kami ng mga anak ko sa may kanin sa umaga, tapos minsan bibili lang kami ng ulam sa kapitbahay namin na nagtitinda ng ulam. Minsan kasi, hindi akonmaagang nagigising dahil sa pagod. Ang mga dinala kasi ni Nicollo ay yong mga kinakain ng mga mayaman sa umaga tulad nalang ng pancake, kung saan sa pagkakaalam ng mga anak ko ay kinakain lang sa meryenda. Hindi naman gaano kadami ang mga gamit namin kaya madali ko lang nailigpit ang mga ito. Yong mga ibang aayusin sa bahay namin, plano ko nalang balikan sa mga susunod na mga araw. Nagpaalam muna kami sa mag- asawang Cuadro na syang lagi kong maaasahan sa oras na

