(Nicollo/ Simon) Ang gaan ng aking pakiramdam ngayon yakap- yakap ko na ang babaeng kinasasabikan ko. Ang mga taong na wala sya sa aking tabi ay parang impyerno sa akin. Kailanman hindi na ako nagiging masaya mula nung pinalayas ko sya sa mansyon. I am happy outside but dying inside. I know gago ako dahil umabot pa talaga sa mahigit tatlong taon saka ko palang naisipan na hanapin sya. Kung hindi palang ako naging saksi sa kung paano ipinaglaban ng kapatid kong si Saven si Akeelah, hindi ako matatauhan para itama lahat ng pagkakamali ko. Nakatago man ako ngayon bilang si Nicollo, masayang- masaya naman ako. Ayaw ko nang bumalik sa pagiging Simon. Sa katunayan nga yan lahat ng dokumento ko ay legal bilang si Nicollo Castellejos. Isa nalang ang dapat kong gawin at kailangan kong mapakiu

