Prolugue

1318 Words
Warning: Take your own risk in reading. May mga bahagi na maiinis na kayo. May aral akong gustong e- achieve sa kwento, kaya medyo heavy sa puso ang ilang eksena. Marami din itong grammatical error, typos dahil hindi ito edited. Salamat in advance sa mga nagpatuloy basahin. And always remember, isinasabuhay ko man ang mga character ko na tulad ng parang tunay na tao, but it is still a fiction. Lahat ng nangyayari sa kwento ay bahagi lamang ng aking imahinasyon. Thanks. ----- ----- Hindi ko iniinda ang pagod at gutom na nadarama, marating ko lang uli ang mansyon na 'to. Isa itong glass house mansyon na pinaghaharian ng isang demonyo sa anyong halimaw. At anim na buwan kong pinagsisilbihan ang hari na 'yon. Pagkatapos nya kunin halos lahat sa akin pati na ang aking dangal, ay inabandona nya lang ako. Pinalayas at itinapon na parang basura. Ang mas masakit, nabuntis pa nya ako, at itinanggi nya na anak nya ang ipinagbubuntis ko. Para akong isang pulubi, palakad- lakad sa kalsada, walang mapupuntahan. Walang kahit ano maliban sa aking kasuutan, hanggang sa may naawa sa akin at dinala nya ako sa isang center na nangangalaga sa mga babaeng nakakaranas ng kalupitan. Nandun ako sa center na 'yon hanggang sa ipinanganak ko ang apat na bata, dalawang babae at dalawang lalaki. Takot na takot ako, kababago ko palang nag labing syam na taon gulang at halos wala pang muwang sa mundo. Hindi ko alam kung paano magpalaki ng apat na bata na sabay, at mag- isa lamang ako at wala pang mapagkikitaan. Hindi lang isang beses na naisipan kong ipaampon ang mga anak ko, pero sa tuwing titigan ko ang mala anghel nilang mukha, bigla nalang magbago ang isip ko. Mahal na mahal ko ang mga anak ko kahit isa pang demonyo ang ama nila. Ayaw ko rin na ipaampon sila, baka maranasan pa nila ang naranasan ko, lalo na ang dalawa kong babae, na kay ganda ng mukha. Nang sumapit ang ikaanim na buwan ng mga anak ko. Umalis na ako sa center, at sa tulong ng isang mabait na manager doon, nakahanap ako ng matitirhan at nagkaroon ng maliit na sari- sari store. Ang puhunan na panimula ko ay galing lang sa mga naawang citizen sa akin. Mahirap at hindi madali ang naging buhay ko sa araw- araw. Halos mapaiyak nalang ako pag sabay na nag- iiyak ang apat kong mga anak at hindi ko alam kung sino ang uunahin ko sa kanila. Ngayon walong buwan na ang mga anak ko. Ilang araw na ang nakakalipas, na- hospital si Natalie, isa sa mga anak kong babae. Nagkaroon sya ng komplikasyon sa dugo. At kaya ako bumalik sa lugar na ito, dahil kahit itanggi ko, kailangan ko ang tulong ng bilyonaryo nilang ama. Handa akong magmamakaawa at lumuhod, matanggap ko lang ang tulong na hihingin ko mula sa demonyo nilang ama. "Ma-Manong, nandyan po ba si senyorito Simon?" Humihingal kong tanong sa gwardya. Pawis na pawis ako. "Sino po kayo? Hindi basta- basta tumatanggap ng bisita ang senyorito." Aniya sa mauturidad na boses. "Hindi nyo ba ako kilala? Ako ito si Shannon. Please, sabihin nyo naman po kay senyorito na nandito ako. Kailangan ko lang syang makausap. Please po, manong!" Pakiusap ko sa kanya. Nagsimula nang manubig ang aking mga mata. "Pasensya na. Pero, kabilin- bilinan ng amo namin na ayaw nya ng disturbo. Umalis na kayo. Galit ang amo namin sa mga pulubi."pagpapalayas nya sa akin. "Please naman po manong---" napaluhod na ako sa harapan nya, at naiiyak narin ako. "Sandali lang po, kailangan ko lang talaga syang makausap." Pero, imbes na kaawaan nya ako. Hinugot nya ang baril nya. "Pag magpumilit kayo, pwede ko kayong barilin. Basta utos ng amo namin, utos nya. Kaya wag mo akong ipahamak." Natakot ako pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na makausap si Simon. Kailangan ko hindi lang ang pera nya, pati na ang dugo nya. Rare naman kasi ang dugo ng anak namin na namana pa sa ama. "Please---please po----" halos hagkan ko na ang kanyang paanan sa sobra kong pagmamakaawa sa kanya. Umaksyon ang security guard na itutok ang baril sa akin nang may lumabas na isang limousine sa gate. Agad ko itong nilapitan. Alam kong si Simon ang nasa loob nito. Napakatok ako sa bintana nito. Tinted ito, pero sasakyan ito ni Simon. "S- Simon please, kailangan natin mag- usap. Kailangan kita. Nasa hospital ang isa sa mga anak natin. Please...please...Simon." pagmamakaawa ko, basang- basa na ng luha ang buong kong mukha. Imbes na pansinin nya ako. Mas bumilis pa ang takbo ng sasakyan. Napatakbo ako habang kumakatok sa pinto nito. "Please....please Simon...please..." katok na katok parin ako, habang sinabayan ang takbo ng sasakyan. Hilong- hilo na ako, pero pinilit ko parin magpakalakas. Sumunod parin ako sa sasakyan. Bumilis ang takbo ng kotse. Hanggang sa hindi ko na ito naabutan. Luhod akong napatumba sa lupa. Pawisan, marumi ang halos buo kong katawan at basang- basa ng luha ang buo kong mukha. Humahagulhol pa ako habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan. Hanggang sa hindi na nakayanan ng katawan ko, at tuluyang akong nawalan ng ulirat. - - Isa ako sa mga taong pinaglupitan ng tadhana. Mula nang isinilang ako ay kakambal ko na ang lahat ng sakit. Ginagamit ako ng halos lahat ng tao na nagparamdam sa akin ng huwad na pagmamalasakit. Ang tunay na pagmamahal na inaasam ko, ay sadyang sa akin ay ipinagkait. Hanggang sa naging ina ako. Naging matatag ako para sa mga anak ko. Nahihirapan ako at madalas napaiyak, pero kailan man, hindi ko naisip na sumuko para sa mga anak ko. Sila ang aking lakas at ang aking pag- asa. Kaya, sadyang napakasakit sa akin ngayon habang nakatingin sa maliit na kabaong na halos natatabunan na ng lupa. Tahimik lang akong humihikbi, pagod na pagod na ako sa pag- iyak. Alam ko sa sarili ko na kailangan kong magpakatatag para sa tatlong natitira ko pang anak. Napakasakit para sa akin ang katutuhanan, hindi na kumpleto ang quadruplets ko. Na sa tuwing makikita ko ang tatlo na natutulog sa mahabang kuna nila na gawa sa kawayan, mapaluha nalang ako sa kahungkagan na nadarama ko. Alam kong may kulang. Wala na si Natalie. Wala na ang isa ko pang prinsessa. Na sa bawat araw na dadaan, kailanman, hindi ko na masisilayan ang magaganda nyang ngiti. Napakabata pa ng anak ko para lisanin itong mundo. Hindi man lang nya nasubukan ang maglaro ng bahay- bahayan, magtampisaw sa ulan at maglaro ng tagu- taguan. Isang pribilihiyo na mararanasan ng isang bata. Pribilihiyo na ninakaw mula sa kanya sapagkat kailanman, hindi na sya babalik. Hindi sana ito mangyayari sa anak ko kung hindi ipinagkait sa akin ang tulog na hiningi ko mula sa kanilang ama. Dahil sa kasamaan at kasakiman nya, buhay ng isang inosenteng anghel ang nawala. Sa taglay nyang kapangyarihan at kayamanan, alam kong sa sarili ko na isang imposible ang makaganti ako sa kanya. Para lang akong isang langgam na susuung sa lungga ng agila. Kailanman, hindi ko makakamtan ang hustisyang inaasam- asam ko. Pero pangako ko, sa bawat himaymay ng katawan kong dinungisan nya, sa bawat dugo't pawis na nakukuha ko dahil sa mga pasakit nya, sa bawat luhang pumapatak mula sa aking mga mata, sa bawat pinting ng aking puso at sigaw ng aking isip, ay kinamumuhian ko sya. Mula ulo hanggang paa, ay kinamumuhian ko sya. Kinasusuklaman ko sya na kahit mamatay man sya ngayon sa harapan ko, ay wala akong pakialam. Na kahit luluhod pa sya sa harapan ko, at iiyak ng dugo ay hinding- hindi ko sya mapapatawad. Kakasuklaman ko sya, hindi lang sa buhay ko na 'to, pati na sa mga susunod kong buhay, kung mabubuhay man ako uli. Walang katapusan ko syang kakasuklaman. At araw- araw kong idalangin na sana tuluyang na syang mabuhay sa impyerno. Dahil ang isang katulad nyang demonyo, ay doon lang nararapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD