(Shannon) Hindi ko maitago ang aking irritasyong sa lalaking kaharap ko ngayon, at halata iyon sa aking mukha. Nakaupo sya sa kanyang executive chair habang nakaupo ako sa upuan na nasa harapan ng kanyang mesa. "What do you want from me SIR MONTREAL?" idiniin ko yong pangalan nya. Kanina ko pa hawak ang envelope na kung saan nakasilid ang annulment paper naming dalawa. Dalang- dala ko ito, baka sakaling magkita kami at maisipan nyang permahan ito. "Miss Williams, ayon dito sa record mo, gusto mong maging lawyer?" aniya, na hindi man lamang sumulyap sa akin. Nasa kanyang laptop sya nakatingin. "At base sa nakita ko kanina, mukhang kailangan mo ng tulong para matupad ang pangarap mo." Kunot- noo ako. "Anong tulong ang pinagsasabi mo?" "Don't worry, I'm willing to help you, at ang tulo

