(Shannon/ Kate) "H-Hindi mo naman kailangan ariin na anak ang mga anak ko." Ani ko sa kanya dahil mukhang pinanindigan talaga nya itong kasal naming dalawa. Hindi na sya nagkumento sa sinabi ko. Pero, hindi nakatakas sa akin ang pagkasimangot ng kanyang mukha. Mukhang hindi nya nagugustuhan ang salitang nanulas sa aking bibig. Ipinarada ni Nicollo ang kotse sa gilid ng kalsada, hindi na kasi ito makapasok sa makipot na daanan papasok sa squatter area kung saan kami nakatira ng aking mga anak. "Hanggang dito lang ako Nicollo. Salamat sa paghatid." Ngumiti ako sa kanya. Saka ko binuksan ang pinto ng kotse. Bababa na sana ako pero napaurong ako sa pagkagulat. Naunahan kasi nya ako sa pagbaba at humakbang sya papunta sa bungad ko. Inalalayan nya ako na makababa. Ang lakas ng t***k ng pus

