Natasha Astrid’s POV “Ouch! Ouch!” Mabilis ang pag-atras ko dahil sa pagtalsik ng mantika ng bacon. Hindi ko alam na ganito pala kahirap magluto! Napahawak ako sa braso ko na natalsikan at ang sakit! “What the! Ano bang mayroon sa bacon na ‘to?!” inis na sigaw ko sa harapan ng lutuan. Masama ang tingin ko sa kawali kung nasaan ang bacon ngayon na nakakatakot lapitan. Baka mamaya sumabog pa ang bacon at matamaan ang mukha ko. “I want to cook! Pwede bang makisama ka?” pakiusap ko sa bacon. Dahan-dahan kong inilapit ang braso ko na may hawak na spatula sa pan. Pinatama ko ang spatula sa bacon at nagsimula na naman pumutok ‘to. “Oh God!” Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagtalsik na naman ng mantika. This time sa mukha ko na! “Natasha!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng bo

