Natasha Astrid’s POV “Hindi ka na dapat pumunta pa roon.” Pinagmasdan ko si Daddy na nakatalikod sa gawi ko habang nakaharap naman siya sa lamesa at nag-aayos ng pagkain ko. Galit sa akin si daddy. Natanggal na ang bala sa binti ko at hindi naman masyadong delikado pero kailangan ko pa rin magpahinga. Ala-singko na ng madaling araw at ngayon lang ako nagising. Sa haba ng tulog ko, ito ang bumungad sa akin. Si Daddy na nagagalit. Hindi ko naman ginusto ang nangyari sa akin. “I told you, but you did not listen to me,” he calmly uttered pero ramdam ko ang galit sa bawat salitang binibigkas niya. Alam ko na mag-aalala talaga siya sa akin lalo na kung hindi ako nakabalik agad. Mabuti na nga lang talaga nandoon si Owen kaya nalabas niya agad ako ng bahay. Kung wala naman si Owen, alam kong

