Natasha Astrid’s POV “Princess, just stay here.” “Dad, sandali lang naman ako sa bahay na ‘yon. Hindi naman ako magtatagal,” natatawang sambit ko. Alalang-alala kasi siya sa akin tungkol sa pagbalik ko sa bahay. Wala naman akong balak na magtagal doon kahit kalahating oras. Kukunin ko lang talaga ang mga pabango na binili ko para kay Daddy para na rin mabigay ko na sa kanya. “No, princess. Kahit si Jacob, hindi magugustuhan ‘yang gusto mo. Stay here at aalis tayo, right?” “Dad, hindi ko naman nakakalimutan ‘yon,” ani ko habang inaayos ang mga dadalhin kong gamit sa hand bag ko na bagong bili. “Mabilis lang naman talaga ako. Tsaka kasama ko naman ang dalawang tauhan ni Jacob. Hindi mo na ko kailangan alalahanin pa. Tsaka walang gulo sa bahay ngayon kaya walang mangyayari.” Papasok ak

