Natasha Astrid’s POV Hindi rin ako nagtagal sa hotel dahil sinama rin ako ni Jacob sa kanya. Gusto ko lang naman magpahinga pero sinama pa niya ako. Kahit na tamad na tamad akong gumalaw, napilit niya pa rin akong palabasin ng hotel para sumakay sa kotse niya. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko na kay Jacob habang parehas kaming nakaupo sa mga sila ng sasakyan niya. Magkaharap kaming nakaupo habang nakapatong ang mga siko ko sa ibabaw ng lamesa. “Saan mo na naman ako dadalhin? Saang bahay mo naman ngayon?” tanong ko pa. Sa dami niyang bahay, hindi ko na alam kung saan niya ako dadalhin. Bawat sulok yata ng Pilipinas ay may bahay siya. “We’re going to San Lorenzo Village,” he answered. San Lorenzo Village ay ang bahay niya na una kong napuntahan. Kung saan ako unang nag-sleep-over kasam

