Natasha Astrid’s POV “I can walk na!” Hindi ko alam kung ilang beses ko bang sasabihin sa dalawang lalaki na ‘to sa harapan ko na kaya ko naman maglakad. Dalawa linggo na ang lumipas at fully recover na ako pero ang Daddy ko at si Jacob, kung ituring ako, parang baldado ako kahit hindi naman! Hanap kasi sila nang hanap sa akin pero nandito ako sa tapat ng pool area. Pansamantalang sa Davao muna kami rito sa bahay ni Daddy. Malaki rin ang bahay niya rito. May pool area pa na gusto ko sa lahat. “Nakarating nga ako mag-isa rito sa pool area, oh. Talagang overreact lang kayong dalawa.” Inirapan ko ang daddy ko at si Jacob na nakatayo sa harapan ko. Sinuot ko ang sunglasses ko at binalik na ang tingin ko sa iPad na nasa ibabaw ng naka-cross leg kong hita. Sa malaking bahay na ‘to ng ama ko

