Natasha Astrid’s POV Parang ang bilis ng araw ngayon kasama si Jacob. Kailangan ko na naman umuwi agad sa bahay ng pamilya ko. Wala pa akong gana na makita sila pero kailangan na. Masyado akong nag-enjoy sa rest house ni Jacob and I am sure that I will be living in hell again. “Don’t play your food, Natasha.” Nagtaas ang tingin ko kay Jacob na nakaupo sa harapan ko. Seryoso ang tingin niya sa pagkain kong hindi ko makain-kain. This is our breakfast. Napili namin dito sa malapit sa village namin para malapit sa uuwian ko. “Wala akong gana kumain.” Binitawan ko ang kutsara at tinidor ko at napasandal sa inuupuan kong couch. “Eat your food, Natasha,” utos sa akin ni Jacob pero umiling lang ako. Wala talaga akong gana na kumain. Kinuha ko na lang ang phone ko sa loob ng bag ko at chine

