Episode 62 Natasha Astrid’s POV Paglabas ng issue ni Agnes at Charles, lumabas na rin ang sunod-sunod na issue nila. Hindi lang isa dahil halos lahat ng baho nila ay lumabas na. Hindi ko mabitawan ang iPad ko dahil nakasubaybay ako sa lahat ng lumalabas sa social media ko na nakangiti pa! Sino ba naman ang hindi matutuwa kung dumating na ang karma ng mga tao sa paligid ko? Lumabas pa ang mga picture at video ni Agnes at Charles. Naibalita na rin ang annulment paper na pinirmahan ni Tita Ella pero hanggang doon lang dahil hindi na siya nagbigay panayam. Gusto niyang matahimik na agad pagkatapos niyang ilabas ang statement niya. About Nate at Charles are also all around the news. Nalaman na ang katotohanan na anak ni Charles si Nate. Hindi lang ‘yon dahil nalaman din na ni-r**e ang M

