Natasha Astrid’s POV Nagising na lang ako na wala na si Jacob sa tabi ko. Magaan ang pakiramdam ko dahil ginamot niya rin ang sugat ko kagabi na hindi ko nagawa. Binilhan pa niya ako ng ointment bago kami umuwi para sa sugat ko. Talagang inaalagaan niya ako. Hindi ko nga alam kung natulog pa ba ‘yon basta paggising ko, nabasa ko na lang ang text niya sa akin kanina pang 4:30 am. From: Jacob ‘Call me when you read this.’ ‘Yon lang naman ang text niya pero nagwawala pa rin ang puso ko. Hindi ako mapakali dahil sa message niyang ‘yon! Mag-a-alas-dose na at kanina pa ako naka-ayos. Umalis na ang mga hayop dito sa bahay at ang mga kasambahay na lang ang natira. Sinuot ko lang ang platform shoes ko, yellow crop top shirt at high waist wide leg pants. Hindi ko pa tinatawagan si Jacob at ma

