Natasha Astrid’s POV “Mr. Garcia, the car is now waiting,” the flight attendant said. Nag-landing na kami sa international airport ng Hong Kong. Natuloy ang plano ni Daddy na mag shopping kami rito sa Hong Kong kasama ang fiancé ko. Ayoko naman iwan si Jacob sa Makati dahil alam ko naman na gusto niya rin sumama sa akin. “Okay, we will go.” Tumayo si daddy at inayos ang tuxedo niya na suot. Tumayo na rin ako pati si Jacob na katabi ko. Naunang maglakad si Daddy papunta sa pinto ng private plane niya habang nakasunod naman kami ni Jacob. Hawak ni Jacob ang likod ko habang nasa likuran ko siya. Nakasunod lang ako kay Daddy sa pagbaba ng hagdanan. Nakahawak ako sa laylayan ng dress ko dahil sa malakas na hangin na sumalubong sa amin pagbaba ng eroplano. Nang makababa, agad din inayos ni

