Natasha Astrid’s POV Dapat egg plant lang ang bibilhin namin dito sa grocery pero puno na ang cart namin dahil sa mga pinagbibili ko na nakita ko lang din dito sa loob ng grocery store. “Bumili na rin kaya ako nito?” tanong ko habang nakatingin sa hawak kong soya drink. “Put it here, baby,” Jacob said. Napatango ako at ipinasok na sa cart. Si Jacob ang nagtutulak ng cart namin habang ako naman ang taga pili ng mga bibilhin. Hindi lang para sa akin ang binili ko dahil pati na rin para sa pusa. “Mukhang okay na ‘to,” sambit ko at lumapit kay Jacob. Humawak ako sa braso niya habang ang dalawang kamay niya naman ay nakahawak sa cart. Ang dami ko pang bibilhin e wala naman akong pambayad. “Bayaran na lang kita pag-uwi. Napadami ang binili ko—” “You don’t need,” agad na sagot niya. Hin

