Camilla Nagising ako sa isang maliwanag na silid at ang aking inilibot ang aking mga mata sa paligid at nahagip ng mga mata ko ang isang lalaki sa aking gilid. Iginalaw ko ang aking kamay at nagising naman ito. Si Harris pala ang lalaking nasa tabi ko ngayon,,nasaan kaya ang asawa ko. "Harris, anong ginagawa ko dito?" Aking tanong dito. "Nawalan ka ng malay kanina at puro dugo ang mga kamay kaya natakot ako at agad kang dinala dito." Sagot nito sa akin. "Ano ba kasi ang nangyari sayo? At nakita kita na nakahandusay na sa sahig kanina ar mabuti na lamang naiwan ko ang susi ng kotse,, kung hindi ay baka hindi ka agad nadala dito sa hospital." "Ganoon ba,,inatake na naman kasi ako ng phobia ko sa dugo." Aking paliwanag dito kung ano ba ang nangyari sa akin kanina. "Hinahanap mo ba

