Nagising ako sa kaluskos sa labas ng pinto,, hindi ko namalayan na sa aking paghihintay pala kay Xedric ay nakatulog na pala ako. Nang tingnan ko ang orasan ay pasado alas-dose na pala ng madaling araw. Agad akong nagtungo sa may pinto at narinig ko ang tila boses ng babae. "My god Babe,lasing na lasing ka na talaga!" Maarte na pagkakasabi nito. Nang marinig ko ang katok nito ay aking binuksan ito. At nagulat ako sa hitsura ngayon ni Xedric,,kung kanina ay ang ayos ayos ng dating nito bago umalis ng bahay,,ngayon ay tila ito basang sisiw sa hitsura niya. At hindi ko din alam kung sino ba ang babaeng kasama nito ngayon. "Ano ba! Tatayo ka na lamang ba diyan at hindi man ako tutulungan na ipasok sa loob ang amo mo!" Sigaw sa akin ng babaeng masasabi kong sobrang ganda,,sa ayos nito na

