Araw ng kasal namin at kakaunti lamang ang mga taong nandito at sasaksi. Habang naglalakad ako ngayon at nasa aking tabi si Inay ay itay,,at si Xedric naman ay nasa unahan na ngayon at napakaseryoso lamang ng mukha nito. Hindi nga ito masaya sa araw na ito,,tulad nga ng sinabi nito ay para lamang sa kanyang mga magulang kaya niya ako papakasalan. Suot ko na ngayon ang trahe de boda na sukat na sukat sa aking katawan,,parang noon ay tanging sa panaginip ko lamang nakikita na mangyayari ang kasalan na ito,,pero ngayon heto at naglalakad na ako palapit sa lalaking mahal ko. Halos naluluha na ako ngayon habang palapit kasabay na din ang kaba sa aking dibdib na hindi ko mapigilan na hindi maramdaman kahit pa pakalmahin ko ang aking sarili. Ang mga pamilya naman ng Valderama ay nakangiti sa

