Nang makauwi kami sa bahay ay niyaya ko muna sila sa loob para naman makapagmeryenda. "Ang laki pala ng bahay niyo Camilla,,parang mas malaki pa ito sa bahay eh!" Sabi ni Ayka na inililibot ang kanyang paningin habang papasok kami sa loob. Madami na din kasi akong pinabago dito at hinahayaan lamang ako ni Xedric sa aking gusto. Kahit pa minsan ay naiinis si Martha ay isa din itong walang magawa. Hindi ko nga lamang talaga ito pinapatulan kapag physical na dahil baka mamaya masaktan ko ito ng todo at ikahospital pa nito. "Wala ba kayong maid dito?" Tanong pa ni Clarizze. "Mayroon naman umuwi lang ng probinsya dahil may sakit daw ang magulang." Sagot ng kasinungalingan dito. Kung sasabihin ko kasi dito na wala kaming maid ay iisipin ng mga ito na baka hindi maganda ang trato sa akin n

