Milagros

226 Words
DISCLAIMER! This story is a product of the author's imagination, none of the characters and events are reflected or related to a real person. Not suitable for young readers. Read at your own risk. Bata palang ako ay pinangarap ko na ang magkaroon ng masayang pamilya. Isang pamilya na puno ng pagmamahal, isang pamilya na pupuno sa aking malungkot na nakaraan. Ngunit sadyang mapaglaro ang mundo, dahil taliwas ng pangarap ko ang ibinigay sa akin. Hindi ako pangit, hindi rin naman sarado ang puso ko sa bagong pag-ibig, subali't walang pa ring nagtatangka. May mga babae yata talagang hindi ligawin, o baka naman ako talaga ang problema? Madalas kong marinig sa aking mga kamag-anak: “Tumatanda kana, Mila. Mag-asawa kana bago pa magsara ‘yang matres mo, baka hindi kana magkaanak.” Hindi nila alam ang sakit at bigat sa tuwing naririnig ko ang mga iyon, na para bang isang malaking kakulangan sa aking pagkatao kapag hindi ako nakapag-asawa. Gawa ng pressure at pamimilit ng aking pamilya, pumayag akong magpakasal sa lalaking hindi ko pa man nakikilala. Ipinagkasundo ako dito sa kadahilanang pareho na kaming nasa edad at gusto ng anak. Subali't magagawa ko bang maging masaya sa piling ng lalaking kung tutuusin ay isang estranghero para sa akin? Isa pa ang pagbuo ng anak, kaya ko bang makipagniig sa isang lalaki na walang halong pagmamahal?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD