Chapter One

2235 Words
Nasa isang barung-barong si Wesley nang magising at nakahiga sa isang matigas at luamang papag. Nakaramdam ng ginaw ang lalaki kaya hinila niya ang makapal na kumot na nakabalot sa kanya. Saglit siyang nagpalinga-linga at biglang napabangon nang marinig ang pagbukas ng pinto. Isang matandang babae ang pumasok na may dalang takure at baso. Napangiti ito nang makita ang pasyente. "Gising ka na pala," lumapit ang matanda kay Wesley. Hindi nakasagot si Wesley. Ngayon lang bumalik sa isip niya ang lahat ng nangyari. Malakas ang kutob niya na napadpad siya sa isang isla. "Nasaan po ako?" "Nasa isla malubay ka," sagot ng babae. Sinalinan nito ang baso ng mainit inumin na galing sa takure. "Salabat 'yan. Inumin mo para mahimasmasan ka kaunti." Sinunod naman ni Wesley ang utos nito. "Natagpuan ka ng anak kong lumulutang sa dagat," kwento ng matanda. "Mataas ang lagnat mo kaya dinala ka namin dito." "S-salamat po," sagot ni Wesley. Umupo siya sa kama para inumin ang natitirang salabat. "Ako nga pala si Ising," pakilala ng matanda. "ano bang pangalan mo, iho?" "Wesley po." "Siya nga pala, hindi pa rin nagigising 'yung kasama mo." Nagtatakang napatingin si Wesley sa matanda. Kasama? "May kasama kang babae nang matagpuan ka namin sa dagat." Kahit nanghihina pa ay sumunod si Wesley sa matanda nang ayain siya nito. Sino kaya ang babaeng iyon? Ganoon na lang ang kaba niya nang maalala ang babaeng sinusundan. Tahimik na pinagmasdan ni Wesley ang natutulog na babae. Hindi niya napigilang maawa rito dahil nadamay pa ito sa problema ng lalaking hinahabol nila. Ang tanging naging kasalanan lang naman nito ay maging nobya ng apo ng mga Villareal. Nasiyahan si Wesley na pagmasdan ang maamo nitong mukha pero agad din siyang nag-iwas ng tingin at lumabas ng kwarto. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano makakaalis sa lugar na iyon. Maya-maya ay tinawag si Wesley ng matandang babae para kumain ng tanghalian. Nakilala niya ang asawa nito na magiliw naman ang naging pakikitungo sa kanya. Ganoon din ang sampung taong gulang na apo nitong si Pancho. Nandoon din si Wenggay na apo rin nito at napansin niya ang makahulugang mga tingin ng babae sa kanya. Pagkatapos kumain ay bumalik si Wesley sa kwarto ng babae. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit natutuwa siya tuwing pinagmamasdan ang mukha nito. "Baka naman matunaw na 'yan sa kakatitig mo." Napalingon si Wesley nang marinig ang boses mula sa likuran. Nakangiting pumasok si Wenggay at umupo sa tabi niya. Tahimik rin nitong pinagmasdan ang babae. "Girlfriend mo ba siya?" Natigilan si Wesley sa tanong na iyon. "N-no," umiiling niyang sagot. Hindi niya nga kilala ang babae e. "Hindi kami magkakilala." Napangiti si Wenggay at halata ang tuwa nito. "Halika, ipapasyal muna kita." Nagulat si Wesley nang hilahin nito ang kamay niya. "S-sandali," pigil ng lalaki. Tila naman napahiya si Wenggay. "Pwedeng hintayin muna natin siyang magising?" Bagsak ang balikat ng babae at muli itong umupo sa papag. Napabuntong-hininga naman si Wesley. Sige na nga, sasama na siyang mamasyal dito para na rin makabawi siya sa ginawang pagkupkop ng mga magulang nito sa kanya. "Sige na, tara na," nakangiti niyang sabi. Masaya namang sumama si Wenggay. Halata ang malaking pagkagusto nito kay Wesley. Sa burol kung saan tanaw ang malawak na karagatan dinala ni Wenggay si Wesley. Ito ang unang pagkakataong may nakasamang babae si Wesley kaya naman medyo kinakabahan siya. Hindi dahil gusto niya ito kung hindi dahil natatakot siyang pagalitan ng mga magulang ng babae. Isa pa, hindi niya naman ito gusto. Simple lang si Wenggay kahit may itsura rin ito. Ang type ni Wesley sa babae ay maputi at magaling magluto. Ayaw niya rin nang siya ang nililigawan. Alam naman niyang gwapo siya dahil maraming babae ang nagpapapansin sa kanya sa eskwelahan . 'Yung iba nga lang, nababaling ang pagtingin kay Devon kapag nakikita na ang kuya niya. Hindi niya alam kung anong meron sa lalaki na wala sa kanya samantalang malaki naman ang pagkakahawig nila. "May girlfriend ka na, Wes?" tanong ni Wenggay pagkatapos ng mahabang katahimikan. "W-wala pa." Ngumiti ang babae, "alam mo type kita." Napanganga na lang si Wesley. Dahil taga isla ito ay akala niya ay mahinhin ang babae pero bakit parang mas moderna pa ito sa mga kilala niyang taga-Maynila? "S-salamat." Natawa si Wenggay, "Ikaw ang pinakagwapong nakilala ko na dumayo rito sa amin. Sana dito ka na lang." "K-kailangan ko ring umalis." Halatang nalungkot si Wenggay. Matagal silang nagkatinginan at ganoon na lang ang kaba ni Wesley nang dahan-dahang lumapit ang babae sa kanya. Napapikit siya nang maramdamang hahalikan siya nito. "Ate! Kuya!" Natigil ang sana'y magaganap nang marinig nila ang boses ng batang paparating. Humahangos na lumapit sa kanila si Pancho na tila walang kaalam-alam sa dapat sana'y mangyayari. "Kuya Wesley, gising na 'yung babaeng kasama mo." Nagkatinginan ang dalawa. Halata naman ang pagkadismaya sa mukha ni Wenggay ngunit wala itong nagawa kung hindi sumunod kay Wesley nang nagmamadali itong bumaba ng burol. "Sino ka?" nanginginig na tanong ng babae nang makita si Wesley. Hindi alam ni Wesley kung anong isasagot. Paano niya ba ipagtatapat rito na isa siya sa mga nagtatangka sa buhay nito? "Ako si Wesley Macaraig," bahagya siyang nakaramdam ng kaba nag magtama ang mga mata nila. She looks so innocent na tila ba hindi karapat-dapat na madamay sa balak ng grupo. Inilinga nito ang paningin sa paligid at napatingin sa magkapatid na nakasilip sa pinto. Mabilis na tumakbo paalis ang dalawa nang makitang lumingon din si Wesley. "Where are we?" Gustong mapakamot ng ulo ni Wesley. Mukhang mapapasabak siya sa pagsasalita ng English. "We're in a remote island," sagot niya. "We're cast away." "Putek, tama ba 'yung English ko?" bulong ni Wesley sa isip. Hindi niya maintindihan kung kinakabahan siya dahil sa utos ni Rosalie o dahil gusto niyang ma-impressed ang babae sa kanya. Tumitig ito sa kanya at bahagyang natawa. Napahiya tuloy si Wesley. Alam kasi niyang pinagtatawanan siya nito. "Paano tayo napunta rito?" tanong ng babae at dahan-dahang bumangon. Muli nitong iginala ang paningin sa paligid. "At bakit tayo magkasama?" "Hindi mo maalala ang nakaraan?" gulat na tanong ni Wesley. Umiling ang babae, "Naaalala ko. What I couldn't remember is how we ended up in this island together. Ang alam ko kasi iba ang kasama ko." Nakahinga nang maluwag si Wesley, "Isa akong mangingisda. Ako ang nakakuha sa'yo. Pero nasira yung bangka ko kaya pareho tayong dinala ng alon dito." Tahimik lang ang babae na tila may iniisip. "Gusto mong kumain?" tanong ni Wesley, "Ilang araw ka na ring walang malay. Siguro mas mabuting kumain ka muna." Ngumiti ang babae, "Thanks. And thank you for saving me." Bahagyang natigilan si Wesley. Kung alam lang nito ang totoo. "Ah...walang anuman," sa huli ay piniling magsinungaling ni Wesley. "What's your name again?" "Alianna." Naging magiliw naman ang pakikitungo ng pamilya kay Alianna maliban kay Wenggay na halata ang malamig na pakikutungo sa bisita. "Huwag na, iha, kaya ko na ito," saway ni Aling Ising kay Alianna na nagpupumilit tumulong sa paghuhugas ng pinggan. Napapailing na lang si Wesley at lihim na napangiti. As if naman marunong maghugas ang babae e halatang wala itong alam sa gawaing bahay. Hindi sinasadyang natabig ni Alianna ang isang baso at nabasag iyon. Napatingin ang lahat sa kinaroroonan ng dalawa kahit ang iba pa na nasa maliit na sala. Namutla si Alianna nang nakitang nabasag ang baso at sinubukang iligpit iyon pero natigilan ito nang Makita ang dugo sa braso. "Nasugatan ka, iha," nag-aalalang wika ng matanda. "Sorry po," nakayukong wika ng babae. Mabilis na lumapit si Wesley sa dalawa at hinawakan ang kamay ni Alianna para patigilin ang pagdudugo noon. "Halika, gagamutin kita," sabi ng matanda at inutusan si Wesley na alalayan ang babae papunta sa kwarto. "Wenggay, pakilinis naman ang kusina," utos ng matanda sa apo. Nagdadabog na nagtungo si Wenggay sa kusina para walisin ang nagkalat na baso. "Sige na, bumalik ka na sa sala pagkatapos mo dyan. Ako nang bahalang maghugas ng pinggan," mahinahong sabi ni Aling Ising sa apo. "Kasi naman ang lakas ng loob magpumilit, wala namang alam sa gawaing bahay. Nakakapwerwisyo lang tuloy," pasaring ni Wenggay bago gawin ang ipinapagawa ng lola. Malungkot naman na sumunod si Alianna kay Aling Ising. Napabuntonghininga si Wesley bago sumunod sa mga ito. Mukhang mahihirapan si Alianna na pakisamahan si Wenggay.  "Alianna..." Malungkot na lumingon si Alianna nang marinig ang boses ni Wesley. Mabilis itong nagpahid ng luha pero huli na dahil nakita na siya ng binata. "Huwag ka nang umiyak. Pagpasensyahan mo na lang si Wenggay. Kulang talaga sa pansin iyon," pag-aalo ni Wesley pagkatapos umupo sa tabi niya. Kasalukuyan silang nasa burol kung saan tanaw ang malawak na karagatan. "Naiintindihan ko siya," malungkot na sabi ni Alianna. "She's right. I don't know anything. I want to go home, Wesley. Pabigat lang naman tayo rito e." Nahigit ni Wesley ang paghinga. Hindi pa sila pwede bumalik dahil baka mapahamak lang ang babae. Alam niyang magagalit sa kanya ang mga kagrupo pero wala itong kasalanan at hindi dapat madamay sa paghihiganti nila. "Don't worry, gagawa tayo ng paraan," pangako ni Wesley. "Manghihiram muna ako ng pera kay Nanay Ising para may pamasahe tayo sa bangka." "No," tutol ni Alianna. "Nakakahiya naman sa pamilya. They need the money more than we do." Nagulat si Wesley nang tanggalin nito ang suot na kwintas. "Maybe, we can sell this," sabi ni Alianna. Natigilan si Wesley at tiningnan ang kwintas na hawak. Mukha ngang totoo ang kwintas pero siguradong walang bibili noon sa isla. Nakatuwaang buksan ni Wesley ang pendant na locket at nawala ang ngiti niya nang makita ang litratong nasa loob. "Is this your boyfriend?" lihim na napamura si Wesley nang makita ang lalaking kasama ni Alianna. Napa-English tuloy siya nang wala sa oras. Sino ba namang hindi makakalimot sa pagmumukang naging dahilan ng pagkaka-stranded nila sa isla? Nakangiting tumango si Alianna. "Gwapo niya no?" "Mas gwapo ako," wala sa sariling sabi ni Wesley. Napasimangot ang babae at inagaw sa kanya ang kwintas, "Akin na nga yan." "Akala ko ba ibebenta natin ito?" natawa si Wesley. "Kukunin ko lang 'yung picture namin." "Huwag na, panakot sa daga." Kahit mukhang galit ay cute pa ring tingnan si Alianna kaya lalong ginanahang mang-asar si Wesley. Hanggang sa galit na nag walk out ang babae. Hahabulin sana ni Wesley si Alianna nang may maramdaman siyang gumagapang sa paa. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang malaman kung ano iyon. "Alianna, kumuha ka ng kahit anong pamalo," sigaw ni Wesley. "Whatever," sabi lang nito. "Bahala ka sa buhay mo." "Alianna..." Bahagya nang kinabahan si Alianna nang marinig ang seryosong sigaw ng binata. Ganoon na lang ang kaba nito nang makitang nakikipagbuno ang lalaki sa isang kobra. Saglit siyang natigilan at hindi malaman ang gagawin. Agad siyang kumuha ng isang matulis na kahoy nang matauhan at pinagpapalo ang ahas. Dahil sa sobrang kaba ay pati si Wesley ay napalo niya pero hindi pa rin siya tumigil hanggang sa makitang duguan at wala ng buhay ang ahas. "Wesley..." Napasigaw si Alianna nang makita ang kagat ng ahas sa binti ng binata. "Puro kamalasan na lang ang dala ng babaeng iyan dito e," inis na inis na sabi ni Wenggay nang malaman ang nangyari kay Wesley. "Wenggay, huminahon ka. Walang kasalanan si Alianna," sabi ni Aling Ising. "Ang mabuti pa, iwan na natin si Wesley para makapagpahinga. Si Alianna na ang bahalang mag-alaga sa kanya." "Diyos ko po, inang, baka matuluyan na si Wesley." "Halika na," bahagya nang tumaas ang boses ng matanda kaya natakot si Wenggay. Wala nang nagawa si Wenggay kung hindi sumunod sa lola. Tiningnan muna nito nang masama si Alianna bago nagdadabog na umalis. "Pasensya ka na sa apo ko, iha," hinging paumanhin ng matanda. "Ganoon lang talaga iyon." "It's okay po. Naiintindihan ko naman po siya. Salamat po sa lahat ng naitulong niyo sa'min, Aling Ising." "Wala iyon. Sige na, ikaw na munang bahala kay Wesley. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka," ngumiti ang matanda bago nagpaalam. Naiwan naman ang babae habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng natutulog na binata. "Alianna..." Napabalikwas si Alianna nang maramdaman ang marahang pagyugyog sa kanya. Nawala ang antok niya nang makita si Wesley sa tabi niya. "Kailangan kong mag-cr," seryosong sabi ng lalaki. "Pwede mo ba akong alalayan kaunti?" "Ha?" bahagyang namula si Alianna pero hindi siya nagpahalata. "Can you just go by yourself? Ang lamig sa labas." "Kung hindi ako nanghihina, hindi na kita gigisingin." Napabuntong-hininga ang babae at walang nagawa kung hindi bumangon. Alam niyang may kasalanan din siya kung bakit ito natuklaw ng ahas. Nasa labas pa naman ng bahay ang cr at medyo malayo pa ang lalakarin nila. Kinabahan si Alianna nang pumasok mag-isa sa cr ang lalaki. "Hey, wait..." Nagtatakang lumingon si Wesley. "Iiwan mo ako dito mag-isa?" "Bakit gusto mong sumama sa loob?" pilyong tanong nito. "Ha? No... it's okay. Hihintayin na lang kita. Walang nagawa si Alianna kung hindi maghintay sa labas. Pero wala pang ilang minuto ay nakarinig ito ng mga kaluskos kaya mabilis itong napatakbo sa loob ng banyo. Napapikit na lang ang babae nang makita ang nagulat na si Wesley. "Tapos na ako," sabi ni Wesley sa babaeng tahimik na naghihintay sa labas ng banyo. "Wala akong nakita," wala sa loob na sabi nito. Iisipin niya na lang na masamang panaginip iyon. Ilang beses na ba siyang nakakita ng lalaking naka underwear? "Pwede bang alalayan mo ulit ako?" nanghihinang hiling ni Wesley. Naawa naman si Alianna dahil namumutla si Wesley. Sana lang at gumaling na ito at hindi tuluyang kumalat ang lason ng dala ng ahas. Bukas pa daw darating ang doktor na titingin rito. Kahit mabigat ay inalalayan pa rin ni Alianna ang binata. Muntik niya na itong mabitawan nang may umalulong na aso kung saan. Wala sa sariling napayakap ang babae sa kasama. "Wes, ano iyon?" malapit nang umiyak ang dalagita sa sobrang takot. Kahit si Wesley ay kinabahan din. Kahit naman taga probinsya siya ay hindi ganitong kaliblib ang lugar nila. Sa sobrang takot ay lalong humigpit ang yakap ni Alianna sa binata. "Alianna, ang bigat mo..." Nawalan ng balanse si Wesley at napahiga sila sa damuhan. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Wesley at hindi sinasadyang magtama ang mga mata nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD