ELIZABETH “Bakit feeling ko nagsi-selos ka kuya?” tanong ko kay kuya Lando nang makita ang itsura ng mukha niya. “Shut up, Eli. Naaawa lang ako kay Zeym,” aniya at inis na inis na umalis sa harapan ko. Tumabi si Rachelle sa akin at nakapoker face ang mukha habang nakatingin sa papalayong si kuya Lando. “I told him not to get close kay Zeym, ayaw makinig,” iiling na sabi nito. Napasinghap ako. “Gusto niya si Zeym?” Bumaling siya sa akin at sinamaan ako nang tingin. “Parang hindi mo alam ah? Pareho di ba kayo?” Natameme ako at tinignan siyang disappointed sa amin ni kuya habang lumalayo. Si Henry naman ang lumapit sa akin. Napaayos ako ng tayo. “Bakit ba humihingi ka pa ng allowance ni Kua kay Sico? Marami naman kaming handang magpaka-ama sa anak mo.” Hindi naiintindihan ni Henry an

