ZEYM “Morious. Biktima ng human trafficking,” ang basa ni Henry sa data na nakuha niya. Tumingin siya agad kay Lando. “What? It was your doing?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Sa dami ng mga taong dinala namin sa Spain noon, hindi ko na matandaan kung sino-sino sila,” sabi ni Henry. “Pero hindi ba ang mga taong biktima ni Lucio dati ay inuwi ni Rachelle sa Pinas at binigyan ng pangkabuhayan?” tanong ko “Pero may ibang naibenta sa ibang negosyante na hindi na namin alam kung buhay pa ba o patay na,” Lando Kung ganoon itong Morious na ito ay naibenta sa isang negosyante na siyang may pakay kay Elizabeth? “Sa itsura niya, sa tingin ko ay maganda ang naging buhay ng Morious na ito sa kamay ng napagbentahan sa kaniya,” sabi ko. “Pero sino ang nakabili sa kaniya?” tanong ko. “At bakit si

