ELIZABETH Nagkatinginan kami ni Sico. Hindi ko mapigilan na hindi mahiya sa harapan ng anak namin. Hindi ko aakalain na aabot kami sa puntong ito. Nagtataka na siguro siya sa pagkatao niya lalo’t madalas sila ni Sico dumalaw kay Zeym sa hospital. “Mama is pregnant because mama and papa love each other, Kua,” sabi ni Sico, sinusubukang ipaliwanag kay Kua kung bakit buntis ako. Kumunot ang noo ng anak ko. “But she’s not your wife,” “Who told you that she’s not my wife? Mama is my wife,” Napatingin ako kay Sico. Nagsinungaling siya sa harapan ng anak namin. Nang tignan ko si Kua, nakita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya. Para siyang naiiyak na nakahinga ng maluwag. Nang lumingon siya sa akin, agad siyang tumakbo at yumakap sa hita ko. “Mama, I’m so sorry,” aniya at n

